PAUBAYA [Musika'Tula ft. Karl Zarate]

Описание к видео PAUBAYA [Musika'Tula ft. Karl Zarate]

PAUBAYA
by Moira dela Torre
MUSIKA'TULA

Song Cover by: Karl Zarate
Spoken Word Poetry by: Beverly Cumla

(SONG)
Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan nung ako'y 'di na naging sapat
Ba't di mo sinabi nung una pa lang
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

(POETRY)
Minsan kitang nakitang masaya
At inakala 'kong ako ang dahilan
ng bawat pagkurba ng iyong mga labi
Ang pilantig ng iyong kilig
Ang kislap ng 'yong mga mata
Nakikita kita, nakikita ko ang iyong mga tawa
At nang minsang magtama ang ating mga paningin
ay bigla itong nawala
Naglaho, napalitan ng namumuong mga luha
Isang pahiwatig na hindi ako ang may gawa
Hindi ako ang nasa likod ng iyong halakhak
Sapagkat habang nakikita kita, ay nasa isip mo siya

(SONG)
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain
At alagaan ka niya

(POETRY)
Kaya pala,
ang daming nagbago nung huli tayong magkita
Sapagkat hindi mo na kayang ibalik ang ibinigay kong yakap
Wala nang pahinga sa iyong pagtabi
Minamadali mo na lang sumapit ang gabi
Para muling umuwi, lumisan


(SONG)
Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako


(POETRY)
Muling uuwi, lilisan
Pagkatapos ay hahayaan
na lang ako,
na magtanong,
"Bakit hindi mo na lang ako tuluyang iwanan?"
Bakit kailangan mo pang iparamdam na pinipilit mo itong iligtas
Kahit ang totoo ay gusto mong ako na lang ang kumalas
Hinihintay ang bawat bukas
Kahit ang totoo ay gusto mo na ng wakas

(SONG)
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain
At alagaan ka niya

(POETRY)
Naiitindihan ko na hindi na ako
At ang gusto ko lang naman ay marinig ito mula sa'yo
Sabihin mong hindi na ako
Hindi na ako ang mahal
Sapagkat hahayaan kitang mapunta sa kaniya, mahal
Ganito ang tunay na pagmamahal

(SONG)
Ba't di ko naisip na merong hanggan
Ako yung nauna, pero sya ang wakas


(SONG)
Nakita naman sa'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya
Pinapaubaya
Pinapaubaya ko na sa kaniya

(POETRY)
Hindi ito madali
Pero kailangan kong magpaubaya
Kahit di ako sigurado kung paano ako lalaya sa pagpapalaya ko sa'yo

Maniniwala
Na lang sa tadhana
Na darating ang araw ay muli akong liligaya
hindi sa kung paano kita makitang masaya
kung di sa kung paano ka magiging masaya
kapag nakita mong kinaya kong muling lumigaya

Makikita mong kaya kong muling lumigaya
Makitang mong kaya kong muling lumigaya
Nang hindi ka na kasama,

Muling liligaya nang hindi ka na kasama.

-
Subscribe to Karl Zarate's Youtube Channel
https://www.youtube.com/channel/UCCly...

WATCH KARL'S FULL COVER HERE:
   • PAUBAYA - Moira Dela Torre (BALLAD VE...  

For more updates, follow me on my social media sites listed below:

FACEBOOK PAGE:   / bcumla  
TWITTER:   / beverly_cumla  
INSTAGRAM: @beverlycumla

JOIN OUR FACEBOOK GROUP AND BE PART OF THE BEVIES:
  / 11935.  .

For business purposes, email me at:
[email protected] -
-
#BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Комментарии

Информация по комментариям в разработке