NORTHLOOP SEASON 2: ILOCOS NORTE TO APAYAO ROAD

Описание к видео NORTHLOOP SEASON 2: ILOCOS NORTE TO APAYAO ROAD

Ilocos Norte, isa sa pinaka sikat na probinsya sa Northern Luzon dahil sa mga tourist destinations dito kasama na dyan ang Bangui Windmills, Patapat Bridge, Sand Dunes at marami pang iba. Alam natin lahat na mainit ang klima sa Ilocos Norte pero maniniwala ba kayo sakin kung sasabihin kong merong isang lugar sa Ilocos Norte na mala Benguet ang klima? AHA! You heard it right!
Lingid sa kaalaman ng mga hindi taga Ilocos Norte ay may isang Mountain Road na dudugtong mula Solsona Ilcocos Norte at Calanasan sa Probinsya ng Apayao.
Ito ay may habang 50 kilometers mula Laoag City hanggang sa boundary ng Ilocos Norte at Apayao. Nabuksan ang daan na ito noong 2018 at pumatok naman ito sa mga motorcycle riders at mga siklista kaya mas lalo pa itong sumikat. Kasunod na dyan ang paggawa ng viewdeck dahil sa pagdagsa ng mga turista. Sino ba naman ang hindi manghuhumaling sa mala Baguio na ganda ng lugar at malamig na klima dito. At dahil mahilig din ako sa mga ganitong daan ay naging mala Marites naman ako at pinasadahan ko rin ang lugar na ito.

Nag extend pa nga ako ng isang araw sa pag stay sa Laoag City para lang mapasadahan ko rin to. Akala ko ay sa mga pictures lang ito maganda pero "Jusmiyo Garapon!" Maganda nga talaga ang lugar pati ang daan. Pero may malaking "PERO" sa ating pamamasyal dahil biglang bumuhos ang ulan. "ito na naman tayo, takbong takot na naman sa bundok" napahubad tuloy ako habang nagpapahinga dahil basang basa ang damit ko at dahil sa pag uulan ay nababalot narin ng ulap ang dinadaanan natin halos wala na ako makita. pero hindi ako papayag na hindi ko mararating ang dulo ng nasesementong daan na ito. Kaya naman "at all cost" itutuloy ko ang byahe.

SAMAHAN NYO AKO MULI AT STING SILIPIN ANG IPINAGMAMALAKING MALA BAGUING NA LUGAR SA ILOCOS NORTE.
SAMA KAYO SA RIDES KO??
follow me on FB: @MIKETVETC

THANKS FOR WATCHING!

LIKE, SHARE AND SUBSCRIBE PLEASE

Комментарии

Информация по комментариям в разработке