‘Pera Natin ‘To — Pabahay’ (Full Episode) | Reporter's Notebook

Описание к видео ‘Pera Natin ‘To — Pabahay’ (Full Episode) | Reporter's Notebook

(Aired: April 12, 2018): Sa Iligan City, Lanao del Norte, matatagpuan ang Bay Vista Village Housing. Itinayo ang pabahay para sa mga naging biktima ng bagyong Sendong noong 2011. Nasa P400-million ang inilaan na pondo ng gobyerno para magtayo ng nasa 1400 housing units. Sa kasalukuyan, nasa 1,170 na ang naitatayong unit pero nasa 331 pa lamang ang okupado. Nang puntahan ng “Reporter’s Notebook” ang mga unit na wala pang nakatira, nadatnan namin ang ilan na wala pang mga pinto, bintana at wala ring linya ng kuryente.


Samantala, Sa bayan ng Pavia sa Iloilo City, matatagpuan ang isang housing project para sa mga empleyado ng munisipyo. Pero pagdating sa pabahay, halos hindi mo na makita ang mga housing unit. Balot na kasi ang mga ito ng makapal na halaman at matataas na talahib. Ilang hayop rin gaya ng kambing ang nakita namin sa paligid ng inabandonang housing units. 2001 pa sinimulang itayo ang pabahay, pero hindi ito natapos. Wala ni isang empleyado ang tumira rito.


Panoorin ang buong kuwento sa video na ito.

#GMAPublicAffairs #GMANetwork
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.

Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork

Subscribe to the GMA Public Affairs channel:    / gmapublicaffairs  

Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv

Connect with us on:
Facebook:   / gmapublicaffairs  
Twitter:   / gma_pa  

Комментарии

Информация по комментариям в разработке