Amihan Series FULL STORY: BINATA NAPILITANG PAKASALAN ANG ANAK NG BOSS DAHIL NAABUTAN SILA SA IISANG SILID. AKALA NIYA'Y WALA ITONG ALAM NA GAWAING BAHAY. WIFE MATERIAL PALA ITO. MAUUWI SILA SA PAGMAMAHALAN. PERO MAY TUTUTOL | Tagalog love story | PINOY STORY | KWENTONG TAGALOG | TAGALOG STORY
Writer: RRA
Narrator: Sasa
Revised and rearranged by: Amihan
Main Characters: Caleb, Raquel
Title: Marrying My Boss Daughter
"Ah ayos lang iyon," sabi naman ni Caleb, habang bumabangon.
"Nako, hindi ko talaga alam na mabangis pala ang kabayong iyon! Kinausap ko naman siya na sasakay ako at mamamasyal kami, hindi ko naman akalain na mainit pala ang ulo niya. Baka ayaw gumala."
"Ah, iyon ba? Si Bruno iyon, kita mo naman itim na itim, diba? Mailap iyan dahil bagong dating lang, bakit mo kasi naisipan siyang sakyan?"
"Kasi nga nababagot na ako sa lugar na ito, wala akong makausap, lahat ng mga kapatid ko, iniiwasan ako," sagot ng dalaga na hindi niya akalaing magkukwento na kaagad sa kanya ng ganoon. Hindi ito pamilyar kay Caleb at inisip kung kanino ba itong anak at kapatid.
Napatayo na rin siya, at bahagyang pinagpag ang suot niyang pantalon na nadikitan ng lupa. "Nako! Pasensiya ka na, ako nang magpapagpag!" nasabi ng dalaga na tinangkang hawakan ang likuran niya.
"Ha! Okay lang. Huwag na ako na lang, tutal malapit na rin akong maligo," sabi ni Caleb sa dalaga.
"A... okay, ikaw pala si Caleb? Nabanggit ka sa akin ni Papa kanina."
"Oo, ikaw sino ka ba? Bisita ka ba galing sa Maynila?" tanong ni Caleb.
"Nako hindi, ako ang anak na panganay ni Don, Raffy, sa Maynila ako lumaki, kasi---" natitigilang kwento nito. Napatingin naman si Caleb sa magandang mukha ng dalaga, at sa hindi niya malamang dahilan ay tila ba, nasabik din siya sa mga susunod nitong sasabihin.
"Anak siya sa labas!" malakas na sigaw ni Mildred, dahilan para bahagyang mapahiya ang dalaga kaya napaiwas ito ng tingin sa kanila.
"O! Mildred! Ikaw pala!" sumigla ang tinig ni Caleb nang batiin ang dalaga.
"Oo, Caleb, anak siya sa labas ng Papa ko sa dati nilang katulong, ayon, patay na kasi ang ina niya, kaya napilitan si Papa na kunin siya," may halong pangungutya na kwento ni Mildred.
"Mahal, huwag mong sabihin ang mga bagay na iyan sa kanya, napapahiya siya, kapatid mo pa rin siya," saway ni Caleb sa dalaga.
__________________
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any similarities to real persons, events, or locations are purely coincidental. Viewer discretion is advised.
This audiobook contains original human narration performed by a member of the Amihan Series storytelling team.
All images and visual materials used are intended solely for character representation and do not portray real individuals. These visuals were originally created and customized exclusively for this production, with proper rights and licensing.
This audiobook—including its script, narration, and visual presentation—is an exclusive production of Amihan Series.
Amihan Series is the original creator and first publisher of this content across all platforms.
This content is protected under applicable copyright laws. Any copying, re-uploading, reproduction, or reuse without written permission is strictly prohibited.
Unauthorized use, impersonation, or false copyright claims will be formally challenged and disputed.
© 2025 Amihan Series. All rights reserved.
Информация по комментариям в разработке