My Puhunan: Pag-asa sa empanada

Описание к видео My Puhunan: Pag-asa sa empanada

Sa pagtitinda ng empanada binubuo ni Jay-ar Andaya ang kanyang pangarap para sa pamilya. Araw-araw niyang sinusuyod ang palengke ng Bauan sa Batangas para makapagbenta.

Bata pa lang, natuto nang kumayod mag-isa si Jay-ar. Maagang yumao ang kanyang lolo’t lola habang ang ina naman ay may iba nang pamilya.

“Noong panahon pong iyon, kung hindi ako magtatrabaho wala pong magpapakain sa akin noon.", kuwento ni Jay-ar habang binabalikan ang kanyang nakaraan.

Namasukan siya bilang construction worker hanggang sa mapadpad sa isang panaderya.

“Naglako po muna ako ng tinapay. Pagkatapos kong maglako tumutulong din ako sa mga pagkaing bakery para po matuto. Hanggang sa tumagal, natuto nang natuto. Hanggang sa makatrabaho na ako sa iba’t ibang bakery sa Maynila.”

Sa panaderya na rin niya nakilala ang asawa na si Karen. Dahil sa baba ng kinikita sa panaderya, nagdesisyon silang magnegosyo. Gamit ang kaalaman sa paggawa ng empanada, magkatuwang sila sa paggawa nito sa munti nilang kusina.

Dahil determinado na magkaroon ng maayos na negosyo, sumulat si Jay-ar sa My Puhunan para unti-unting matupad ang pangarap nilang mag-asawa lalo pa’t malapit nang isilang ang una nilang anak.

Sa tulong nina Roy, Adrien, Jen, Mark, Midi at Haruka, ang tinaguriang 'six eagles', napagkalooban sina Jay-ar ng sarili nilang empanada food cart na kumpleto sa kagamitan. Pinayuhan rin sila para maayos na mapatakbo ang bagong negosyo.

Ngayong papalapit na ang Pasko, dobleng biyaya ang dumating kina Jay-ar at Karen – ang kanilang unang anak at ang bago nilang negosyo.

“Maraming maraming salamat po at natulungan niyo ako. Sana po marami pa kayong matulungan na tao na katulad ko po.”

Sundan ang My Puhunan online:
Microsite: news.abs-cbn.com/MyPuhunan
Facebook & Twitter: @MyPuhunan
Instagram: @mypuhunantv

Panoorin ang My Puhunan online:
www.IWANTV.com.ph (within PH)
www.TFC.tv (outside PH)
   / abscbnnews   (episode highlights)

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch the full episodes of My Puhunan on TFC.TV
http://bit.ly/MYPUHUNAN-TFCTV
and on iWant for Philippine viewers, click:
http://bit.ly/MyPuhunan-iWant

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook:   / abscbnnews  
Twitter:   / abscbnnews  

#MyPuhunan

Комментарии

Информация по комментариям в разработке