THINK ABOUT IT by TED FAILON ‘People’s Initiative?' (Aired January 16, 2024)

Описание к видео THINK ABOUT IT by TED FAILON ‘People’s Initiative?' (Aired January 16, 2024)

Usap-usapan ang ipinapakalat ngayong papel na pinapipirmahan sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas na ang layunin ay baguhin ang isang probisyon sa ating saligang batas sa pamamagitan ng tinatawag na people's initiative. Talamak ang panlilinlang sa nga botanteng Pilipino para pumirma sa petisyon, na gumagamit pa sa mga programa ng gobyerno kagaya ng Tupad at 4Ps.
Kapag nagkataon, kaya mo bang ipagkatiwala sa kapangyarihan lamang ng mga miyembro ng kamara de representante ang gusto nilang gawin na pagbabago sa ating konstitusyon? Ikaw na Pilipinong araw-araw ay napapagod sa kakatrabaho, at sa pagpapagal na ito ay nag-aambag sa kaban ng bayan na pinagkukunan ng perang ginagasta para patakbuhin ang Kongreso. Ikaw na Pilipinong nagtitiis sa hirap subalit nananatiling ang galaw ay patas. Hahayaan mo bang mangyari ito? Think about it.

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке