Paliwanag at paanyaya ni ArchB Gilbert para sa Synod of Bishops 2021-2023

Описание к видео Paliwanag at paanyaya ni ArchB Gilbert para sa Synod of Bishops 2021-2023

PANOORIN. Paliwanag at paanyaya ni ArchB Gilbert para sa Synod of Bishops 2021-2023.

#Synod
#ListeningChurch
#WalkingChurch

--------

"Mga giliw na mananampalatayang Batangueño,
Ito po ang inyong ArchB Gilbert.

Sa darating na October 2023, idaraos sa Roma ang 16th Ordinary General Assembly of Synod of Bishops.

Ang synod of bishops ay isang pagtitipon ng mga Obispong kaisa ng Santo Papa, upang pagnilayan, pag-usapan at pagdesisyunan ang mga partikular na isyu na dapat tugunan ng Simbahan upang maisakatuparan nito ang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita.

Ang tema na itinakda ni Papa Francisco para sa Synod na ito ay “For a Synodal Church: Communion, Participation and Mission”. Napapaloob dito ang tatlong magkakaugnay at pantay-pantay na dimensyon at haligi ng isang synodal Church o isang Simbahang nakikinig sa Espiritu Santo, sa kung ano ang nais ipahiwatig ng Espiritu ng Katotohanan para sa Simbahan.

Kaugnay nito, nais ni Papa Francisco na maging bahagi tayong lahat ng gagawing Synodal Consultation upang maranasan ng buong Bayan ng Diyos ang sama-samang pagninilay, pakikiisa at pagtanggap ng responsibilidad sa kung paano matatahak ng Simbahan ang landas tungo sa mas mataas na antas ng pagiging isang synodal Church.

Kung kaya nga, ang Synod na ito ay hindi isang okasyon na nagsisimula at natatapos kundi isang patuloy na proseso ng paglago tungo sa kaisahan at misyong nais ng Diyos na isabuhay ng Simbahan.

Sisimulan ang Archdiocesan phase ng Synodal process sa ika-17 ng Oktubre ng taong ito, sa pamamagitan ng pagdiriwang ng banal na Misa sa ganap na ika-9 ng umaga sa San Sebastian Cathedral, Lipa City.

Tampok sa diocesan phase ang mga serye ng konsultasyon na isasagawa sa buong Arsidiyosesis na inaasahang magiging pagkakataon upang magtapo ang mga mananampalataya – pari, relihiyoso at layko –, at ating maranasan at maisabuhay ang synodal process na isang paglalakbay bilang iisang Simbahan.

Makiisa po tayo at sama-samang manalangin, magnilay at maglakbay tungo sa pagiging isang sambayanang may kaganapan ng buhay.
Maraming salamat at pagpalain tayong lahat ng Diyos."

𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐑𝐄𝐕. 𝐆𝐈𝐋𝐁𝐄𝐑𝐓 𝐀. 𝐆𝐀𝐑𝐂𝐄𝐑𝐀, 𝐃.𝐃.
Archbishop of Lipa

Комментарии

Информация по комментариям в разработке