OFW nagbalikbayan para sorpresahin ang kanyang Tatay 👩✈️ 🇵🇭👉👴😭 The Best Homecoming Surprise!

Описание к видео OFW nagbalikbayan para sorpresahin ang kanyang Tatay 👩✈️ 🇵🇭👉👴😭 The Best Homecoming Surprise!

OFW nagbalikbayan para sorpresahin ang kanyang Tatay 👩✈️ 🇵🇭👉👴😭 The Best Homecoming Surprise!
#pagbabalikbayan #OFWhomecomingsurprise
#fromTaiwan2CavitewithLove 🇹🇼 ✈️🇵🇭🎁

Nabulabog ang Barangay Pinagtipunan sa sorpresa at pagbabalikbayan ng isang OFW mula Taiwan at kasabay nito ang kasiyahan na kanyang dala para sa kanyang pamilya.

Panoorin ang nakaka iyak at napakasayang sorpresang ito 😍😀😭.
Exclusive dito lang sa aming Facebook page and also on our YouTube channel 📺
click here to SUBSCRIBE 👇
http://bit.ly/ShopBestOfficialYoutube

Happy Birthday 🎈🎂
Mr. Rolando Loren👱‍♂️
of General Trias, Cavite

Sweet birthday presents requested by Ms. Reynalyn Loren(BanEdoza LorEn), a loving daughter based in Taiwan.

She contacted our Facebook page, ShopBest-My Best Shoppers, to help her surprise her father on his birthday.

Along with the lovely presents, she also sent her heartfelt message as we quote;
"Ang totoy bibo ng buhay ko.
Tata belated happy happy birthday po sayo. Inadvance ko na po ang pagbati sayo ng happy birthday para pagtuntong palang ng November maramdaman mo ng special ka para sa pamilya mo, lalu na sa mga anak mo. Alam ko wala sa isipan mo ang ganitong pasorpresa kase baka iniisip mo na wala kang anak na nagmamalasakit sayo. Tata wala man pong pagkakataon para tayo’y makapag usap, lagi naman po kita kinakamusta sa tuwing tatawag ako jan sa bahay. Mahirap labanan ang homesick kaya gusto lagi akong may nakakausap. Iniisa isa kong kamustahin bawat lagay ng mga kapatid ko dahil ang lungkot na hindi na kayo magkakasama sapagkat may sari-sarili ng pamilya ang mga kapatid ko at magkakalayo ang mga bahay. Kayong tatlo nalang nina Nana ang magkakasama, madalas si Bunso ang nakakausap ko. Nagpapasalamat ako ng lubos sa bunso kong kapatid sapagkat may kailngan man sya o wala hindi sya nagkulang ng atensyon sakin bilang kapatid, sya ang tagapaghatid sakin palagi ng magandang balita na araw araw ligtas at masaya kayong pamilya ko.
Noon naiinis ako dahil sa kaistriktuhan mo sa aming magkakapatid na pakiramdam ko hindi mo kami mahal. Pero un ang lubos na ipinagpapasalamat ko sayo ngayon dahil sa kabila ng pagiging strikto mo bilang ama sa amin, walang anak mo ang napariwara ang buhay.
Ta, marami man kayong hindi pinagkakasunduan ni Nana sobra sobra po akong nagpapasalamat sa itaas dahil kayo ang naging mga magulang namin, pinalaki nyo kami ng maayos at nananatiling buo ang pamilya.
Tata bilang anak mo alam ko po na napakarami kong pagkukulang sa inyo ni Nana na madalas nararamdaman mo na wala kaming pakialam sayo, hindi po totoo un Tata, Tulad mo alam kong sobrang mahal na mahal mo kaming mga anak mo at napakaswerte namin na never mo kaming pinabayaan lalu na kung tungkol sa pag aasawa, napakahalaga ng Pamilya yan ang number one na nakatatak sa puso ko. Sobrang hanga ko kay Nana na never syang nawalan ng pag asa manatili lang tayong buo.
Kahit na ilan pang lalaki ang dumaan sa buhay ko, masasabi kong “walang makakahigit sa Tatay ko”.
Hindi na mahalaga kung paano ka naging Ama sa amin ang mahalaga Mahal na mahal ka naming magkakapatid.
Tata hiling ko para sayo ang malakas na pangangatawan at magkaroon ka pa ng mas maraming masayang kaarawan. Ipinapangako ko po sa inyo ni Nana na sa pagtanda ninyo kasama nyo po ako, Ako ang mag aalaga sa inyong dalawa. Sobrang mahal na mahal ko po kayo at mis na mis ko na po kayong lahat.
Sana napasaya kita sa aking munting sorpresa. Lalung mas masaya ka bukas. Happy happy birthday po uLit sayo Tata. See you soon.
I love you Tatay ko.
Ang inyong pinaka sexing anak, “Reynalyn”

PS:Tata pakiabot naman po kay nana ang bouquet ng bulaklak at isang napakatamis na halik naman jan heheheh😘😊😘"
surprise

Комментарии

Информация по комментариям в разработке