Pagbuild ng Scrambler at Classic Tricycle!

Описание к видео Pagbuild ng Scrambler at Classic Tricycle!

Ang pagka mangha ko sa mga luma o classic na motorcycles ay lalong napunan noong nagsimula ang lockdowns dahil sa pandemya.

Kasisilip ko sa Instagram at kayu-youtube ng mga motorsiklong ito ay palalim ng palalim ang desire ko na magkaron din nito.

Kaya nga, sa support ni Jo-Ann, unti-unti kaming nag-ipon para makapagpagawa ng isang modified na classic motorcycle.

Sakto naman na ang isang kaibigan ay ibinenta ang kanyang TMX sa amin dahil nga daw wala ng pasahero sa pagta-tricycle.

Nakatagpo ako ng builders na malapit lang sa'min, don sa Candon, ang Alingo Kustoms. Binuo nila ang motor ng mga one month, medyo mahirap makakuha ng ibang pyesa during lockdowns.

Maganda ang pagkakagawa nila. Check nyo sila sa Facebook - Alingo Kustoms!

....

After a year ng pag-iipon, bumili kami ng brand new na TMX bilang personal project, kasama si Arman ang aking mahusay na madiskarteng kaibigan, para gawin ding modified classic motorcycle.

Kahit wala kaming karanasan sa pagbi-build ng ganitong uri ng motor, inisip namin na kopyahin o gawing modelo ang naunang motorsiklo. At syempre, salamat din ng marami sa mga Youtube tutorials! Unang una na jan ay ang Tokwa Garage.

After ng one week ay natapos namin 'to! Simple at minimal! Gawang amateurs! Pero proud kami sa project bike na'to!

....
Pero before pa namin nasimulan tong project namin ay nakahanap ako ng builder ng classic sidecars, na based sa Tarlac. At dahil medyo maluwag na ngayon pumasok sa mga borders ay pina-pick up ko sa kanila ang naunang motorsiklo.

After a couple of months ay deneliver din nila dito itong newly improved classic motorcycle na classic tricycle na ngayon.

Salamat sa Artistraw Garage sa pagbuild ng magandang tricycle na'to!

...

Sa aming excitement ay pinuno namin agad ito ng mga camping necessities at ibinyahe pa-Norte kasama ang mga kaibigan. Mula Narvacan hanggang Pagudpod ay 190+ kms times 2 yan dahil pabalik pa.

At sa byaheng 'yan ay mas nakilala namin ang tricycle na'to, ang kanyang mga kakayanan at limitasyon. Kaya nga inunti-unti namin itong mas pinatibay! Para magfit sa mga upcoming pa na roadtrips and campings!

...

Ngayon nga na roadtrip-ready na ang tricycle na'to ay may 2 weeks na kaming nagpi-prepare para sa kanyang unang official heavy-duty na byahe - yan ay ang mag-explore sa Zambales at Aurora. Starting this weekend! It looks like titira muna kami sa tent at transient places din if needed sa mga susunod na mga araw, or weeks, or maybe a month, who knows.

So come, sikapin nating i-document ang mga lakad na'to! We're pretty sure it will be fun and full of surprises. Maraming new places to experience, different faces to meet, and stories to be heard and learn from. We're hoping that these trips will add to the life that we are already enjoying.
#MotoVlog
#Scrambler
#Motocamping

Комментарии

Информация по комментариям в разработке