It’s Showtime August 29, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 29, 2024 | Full Episode

How to be happy? Magpahinga kung napapagod. Self-care ay huwag kalimutan. Buhay ay kulayan ng mas maraming tawanan; makakatulong din ang kaunting kantahan. Lahat 'yan, sa "It's Showtime" matatagpuan.

Simulan ang good vibes sa pamimigay ng blessing sa random madlang people. Sundan natin 'yan ng palarong may ka-cute-an pero walang dayaan, purely katuwaan lang, sa "Bata Bata Pick."

Kaso, kung minamalas ka nga naman, Ryan Bang! Ang ating oppa, dalawang beses nabunot bilang alay. Aray! Sa una'y hindi siya nakaligtas sa FUNishment — sumayaw na may nakaipit na hilaw na itlog sa pagitan ng baba at dibdib. Oh, no! 'Yung itlog ni Ryan, nabasag!

Hindi pa man nakaka-recover sa pumishment niya, si Ryan ulit ang sunod na nabunot ni Vhong Navarro. Buti na lang bata nila ang nanalo!

Congrats din naman sa tandem nina Jackie Gonzaga at Ion Perez na nakaligtas sa parusa dahil 'bata' nilang si Argus ay nanalo laban kay Jaze.

Ang relasyon na mabilis nakuha at hindi pinaghirapan, 'pag nawala, hindi mo rin panghihinayangan. True? Alamin natin sa kwento nina Third at Xiobe sa "EXpecially For You."

Attraction na nagsimula online! Si Third, panay ang react sa stories and posts ni Xiobe sa social media kung saan 'friends' sila. Pero dahil si Xiobe ay may bf at that time, dedma muna sa nagpapapansin na guy.

Nagbunga rin ang pagiging 'abangers' ni Third, dahil siya ang 'hinanap' ni Xiobe nang mag-break sila ng unang boyfriend. After two months of courtship, naging official na ang kanilang relationship. Pero limang buwan lang ang binilang, sina Third ay Xiobe ay nanlamig na at nawalan ng gana sa isa't-isa. Naging busy daw sila, lalo na si Xiobe na pumasok sa pulitika.

Pero baka dahilan lang 'yun, 'di kaya? Dahil ang totoong pagmamahalan, ipinaglalaban. Hindi 'yung basta-basta na lang nanlalamig at basta-basta bibitawan. Ano kaya ang masasabi ng ‘Showtime’ hosts sa kwento nina Third at Xiobe?

Nakaka-happy naman ang performance ng dalawang estudyanteng sumalang sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

“Magnetic charm” kung ilarawan ni hurado Kean Cipriano ang strength ni Rhea Jane Recosalem ng Marian College, Inc. na kumanta ng “Diamonds Are Forever.”

“Bridge Over Troubled Water” ni Hanh Felicity Agawin pinuri rin ni hurado Kyla. Bagay raw ang kanta sa boses ng Liceo de Cagayan University student, pero pinaalalahanan n’ya ito na maging maingat sa mga nota.

Agree naman si Punong Hurado Nyoy Volante sa mga komento nina Kean at Kyla. Matapos ang kompetisyon sa araw na ito, si Rhea Jane ang nakakuha ng mas mataas na marka mula sa mga hurado.

#ShowtimeToTheRescue
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Комментарии

Информация по комментариям в разработке