'My Puhunan: Kaya Mo!': Bakit pinipilahan ang pancit bato sa Quezon City?

Описание к видео 'My Puhunan: Kaya Mo!': Bakit pinipilahan ang pancit bato sa Quezon City?

Hindi nawawala ang pila ng mga customer sa isang food cart sa Muñoz, Quezon City.

Umulan man o umaraw, matiyaga silang pumipila matikman lang ang viral sa social media na pancit bato, kilalang pagkain ng mga Bikolano.

Pebrero ngayong taon lang sinimulan ni Mike Berso ang pagtitinda nito sa loob ng palengke sa kanilang lugar.

Hindi nagtagal ay kinailangan niya itong isara dahil isa siyang OFW sa Kuwait at nagnegosyo nito habang siya ay nakabakasyon.

Pero dahil gusto na niyang mamalagi sa Pilipinas, nagdesisyon siyang iwan ang magandang trabaho sa ibang bansa bilang restaurant manager.

"Nung first day ko po kumita ako ng 15k net income sa loob lamang po iyun ng 5 hours. Nag-umpisa kami ng 3pm hanggang ano lang kami 8pm na sold out po kami kaya that day nag-decide ako na ito na iyong pinag -pra-pray ko kay God na ano mag-stay na sa Pilipinas," kuwento ni Mike kay Migs Bustos para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!".

Alamin kung bakit ito binabalik-balikan ng mga parokyano dito lang sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.

For more ABS-CBN News videos, click the link below:
   • Breaking News & Live Coverage  

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook:   / abscbnnews  
Twitter:   / abscbnnews  
Instagram:   / abscbnnews  

#MyPuhunan
#LatestNews
#ABSCBNNews

Комментарии

Информация по комментариям в разработке