THINK ABOUT IT by TED FAILON - 'POGO: Benepisyo o Perwisyo?' |

Описание к видео THINK ABOUT IT by TED FAILON - 'POGO: Benepisyo o Perwisyo?' |

Pera ang sinasabing dahilan ng mga nagtatanggol sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Perang kinikita ng PAGCOR at ng pamahalaan mula sa POGO. Sa harap ito ng lumalakas na panawagan na tuluyan nang ipagbawal ang lahat ng POGO sa Pilipinas dahil sa tumitinding kriminalidad na kinasasangkutan ng mga POGO workers na karamihan ay mga dayuhang Chinese. Sa pinakahuling pagsalakay na ginawa ng PAOCC sa Porac, Pampanga, nalantad na naman ang mga kaso ng human trafficking, sex slavery, kidnap victims at scam hub. Luminaw na rin ang kaso ng posibleng money laundering sa iba pang POGO hubs. Ano ba ang mas matimbang, ang sinasabing 0.2% na naimbag ng POGO sa ating gross domestic product bilang dahilan sa pagpayag ng gobyerno na ito’y manatili sa Pilipinas? O ang hindi masukat na kriminalidad, sakit ng ulo, problema, masamang imahe, kahihiyan ng bansa at perwisyo sa bayan na idinudulot ng Philippine Offshore Gaming Operators para tuluyan na itong ipagbawal. Think about it.

---

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке