Awit ng Lungsod ng Meycauayan

Описание к видео Awit ng Lungsod ng Meycauayan

Bilang pagdiriwang ng ika-400 taong pagkakatatag ng noo’y bayan ng Meycauayan, Bulacan, isinulat ni Araceli Samson ang Awit ng Lungsod ng Meycauayan. Ito ay sinimulang gamitin ng bayan bilang awiting pambayan nito noong panunungkulan ni Alkalde Celso Legaspi. Pinalitan ang salitang “bayan” ng “lungsod” ng ganap na maging lungsod ang Meycauayan noong Disyembre 10, 2006 sa bisa ng plebisito na itinadhana ng RA 9356.

TITIK NG AWIT:
Nang magsabog ng biyaya ang Poon nating Maykapal
Lungsod nati’y nabahaginan ng tulong Niya’t pamamatnubay.

Masdan ngayon Lungsod ng Meycauayan
May pagsulong sa kabuhayan
Maningning ang kinabukasan
May tatak ng kaunlaran.

KORO:
Meycauayan, pasalamatan
Ang nakamit mong mga tagumpay
Ang kasaysayang iginuhit
Sa panahon ay itanghal
Mga bayani mo’t makata
Taong tanyag at mararangal
Ay hiyas at karangalan ng ating Inang Bayan.

Kung kaya sa iyong kaarawan (kaarawan)
Tayo’y magdiwang at mag-awitan
Isigaw nati’y mabuhay
Mabuhay ang Meycauayan!
(Ulitin ang Koro)

Kung kaya lagi nating tandaan (tandaan)
Poong Maykapal, pasalamatan
Sa ating mga tagumpay,
Tagumpay ng Meycauayan !
Mabuhay ang….Meycauayan !


Sanggunian

Awit ng Lungsod ng Meycauayan? (2017). Everything About the City of Meycauayan. http://www.cityofmeycauayanbulacan.go...
?page=quick_information

Friends of Meycauayan Police Station. (2011, Oct. 4). Awit ng Meycauayan. Facebook.   / friends-of-meycauayan-   city-police-station/awit-ng-meycauayan/280359155315887

City of Meycauayan, Bulacan. (2016, Dec. 7). Himig ng Meycauayan. Facebook.   / himig-ng-   meycauayan-sa-pagpapatuloy-ng-celebrasyon-ng-ating-cityhood- isang-patim/1273132899413873/

Комментарии

Информация по комментариям в разработке