AWIT SA MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA SA KANYANG 103 TAONG APARISYON (Music Video)

Описание к видео AWIT SA MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA SA KANYANG 103 TAONG APARISYON (Music Video)

Tingnan, pakinggan, damhin ang awitin ng OMHS Sisters sa imahen ng Birhen ng Fatima na nararamtan ng araw. Handog sa Isang daan at tatlong taon ng makasaysayang aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa lugar ng Cova de Irea sa Portugal sa tatlong bata Francisco, Jacinta at Lucia na nagbigay ng malaking pag-asa ng pagbabago sa mga taong makasalanan sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo. Bilang Katolikong Kristyano patuloy nating ipalaganap ang debosyon sa Mahal na INA at pananampalataya sa Santissima Trinidad. Ating ipahayag ang dakilang mensaheng taglay sa pamamagitan rin ng pag-awit kalakip ang mga mensahe ng Mahal na Ina sa kapanahunan ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong sa kanyang Banal na Luklukan na si Santa Maria Virginia. Ang Santo Rosaryo ang siyang dakilang sandata natin sa paglupig kay Satanas. Kung ang tao ay tunay lamang na susunod sa kalooban ng Diyos at tupdin ang mga habilin ng Mahal na Ina...walang gutom, kalamidad, giyera, iba't-ibang uri ng mga sakit, at mga trahedyang mabibigat sa buhay ng tao.
Tanggapin natin ang Mahal na Inang Birheng Maria sa buhay natin at hingin na ilapit tayo sa Panginoong Hesukristo na Kanyang bugtong na Anak.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке