SA ISANG SULOK NG PARAISO From MCGI (ADD) | Edited by ROB Tech

Описание к видео SA ISANG SULOK NG PARAISO From MCGI (ADD) | Edited by ROB Tech

SA ISANG SULOK NG PARAISO

GIRLS
Hindi ako karapat-dapat ibigin
Pagkat ganda at yaman ay salat sa akin
Mahina't hamak kung ako ay ituring
Sa pagkatao'y walang sukat purihin
Sa kabila ng aking kaliitan
Di maubos isipin ginalang Mo't inibig

BOYS
Saksi ang buhay sa di masayod Mong habag
Bawat datnang umagay pagasa ang hayag
Kayat dalangin ay iyong pahirin
Karumihan ng puso ko'y linisin

Gawing mapalad aking kaliitan
Ang Iyong abang alipin nais na makarating

CHORUS
Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung saan Ika'y matatanaw
Iyong mukha'y mamamasdan masisilayan
Aking hinihintay, aking hinihintay

Ikaw na nga lamang ang dahil ng buhay
Sa mundong kaylupit na aking nilalakbay
Maging ang hirap na nararanasan
Nahaharap pagkat Ika'y naririyan

Aliw Ka lagi sa 'king kaliitan
Inaasam na langit nais na makamit

Sa isang sulok ng "Yong paraiso
Kung maabot at makapanahan
Pangarap ko ay makamtam buhay
walang hanggang

Ligaya na tunay, ligaya na tunay
Hindi ipagpapalit sa sandaling tamis
Na ang dulo'y pait kahit may luha
Ay tiwalang higit ako'y ihahatid, ihahatid

CHORUS
Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung saan Ika'y matatanaw
Iyong mukha'y mamamasdan masisilayan
Aking hinihintay, aking hinihintay

Sa isang sulok ng "Yong paraiso
Kung maabot at makapanahan
Pangarap ko ay makamtam buhay walang hanggang
Ligaya na tunay, ligaya na tunay

#trending

Комментарии

Информация по комментариям в разработке