Senior Citizen - 20% Discount Kahit Walang Booklet O Seniors ID - Magkano Cash benefits Sa OSCA?
Isa paring Tip ko sa inyo, May video din po tau kung paano mag
apply ng Social Pension sa DSWD at pwede nyo po panoorin
pagkatapos po nitong video na ito
Eto na ang magandang balita! ngayon kahit di mo dala ang iyong
senior ID at booklet, pwede mo na ma enjoy ang pagkain mo sa
labas at pag bili ng gamot anytime.
Dahil simula sa Jan. 2025 effective na ang bagong panukala
ng DOH o Department of Health na hindi na kailangan ng booklet
at seniors ID para maka kuha ng 20% discount kung ikaw ay bibili
ng gamot, medical deives, o kakain sa labas
Nito lang linggong ito inaprubahan bg health secretary na si Ted
Herbosa ang administrative order n 2024-0017 ang pag amend sa
dalawang administrative order tungkol sa mga guidelines para
ma implement ang republic act no 9994 or "Expanded Senior Citizen
act of 2010"
ang latest na administrative order ay tinanggal ang booklets kada
may transaction para ma avail ang 20% discount para sa pagbili
mg mga gamot at para ma ipsan ang mga burden ng ating mga
senior citizen
Sino ang pweding maka kuha ng 20% discount
1. Ang senior citizen mismo
2. Representative
Pwede ang representative kung ang isang senior citizen ay
bedridden, PWD, o nasa ospital at hindi na makalakad
Kailangan lang dala ng representative ang
1. ID ng senior citizen
2. Authorization letter ng senior citizen
3. ID ng representative
Ano Pa ang mga pwede ipakita bukod sa Senior citizen ID?
1. Senior citizen ID na galing sa OSCA o Office of the Senior
Citizen sa inyong mga lugar
2. Government issued ID na may date of birth
Pwede dito ang bagong kuha natin na Philsys ID o National ID
na nakasaad ang kanilang Birthday at edad para patotoo na
sila ay talagang senior citizen
3. Senior citizens Philippine passport
Pede din po ito dahil ito ay may kumpletong detalye tungkol
sa isang senior citizen kasama ang edad at birthday
Ang mga pwede ma avail ng isang senior citizen
1. 20% Discount sa mga gamot, medical device, at pagkain
Kasama dito ang dine-in, take-out, at take home orders o kung
mag papadeliver kayo
2. 20% Discount sa transportation kasama na ang mga jeep at
provincial buses
3. 5 % discount para sa basic necessities at pagkain na nabibili
natin sa mga grocery katulad ng bigas, tinapay, milk, water,
at LPG gas
4. 5% sa water at electricity
Mayroong min water comsumption at minimum electric kilowatt
hour na kondisyon para maka kuha ng discount
5. Excempted sa VAT o Value Added Tax para sa mga eligible goods
at mga services
6. Funeral at Burial Services
Kasama na rin po dito ang internment services o pagpapa libing
Isa pang tip sa inyo, mag register po tau sa NCSC o National
Commision of Senior Citizen dahil hext year na rin po ang
full mplementation at para mapa bilang din po kayo
sa mga benefits
Mayroon din po tayong video kung paano mag apply sa NCSC o
National commision of Senior Citzen at pwede nyo po panoorin
pagkatapos ng video na ito
Paano naman kumuha ng Senior Citizens ID
1. Magpunta sa OSCA sa inyong lugar
2. Mag submit ng document katulad ng birth certificate, at 2 pcs
na 1x1 na picture
3. Bibigyan ka ng temporary ID upang magamit mo na agad, o kung
available, permanent ID mo na agad
Iba pang bnepisyo makukuha sa OSCA
Ayon na rin sa republic Act 11916 at kilala bilang
“An Act Increasing the Social Pension of Senior Citizens”,
ang mga indigent senior citizen ay makaka tanggap ng
1,000.00 per month Simula ngayong Jan 2025
Ang indigent senior citizen ay ang mga mamamayang pilipino na
1. Walang kakayahang magtrabaho,
2. Walang natatanggap na retirement benefits mula sa gobyerno
katulad ng SSS, GSIS
3.walang sustento sa mga anak o kamag anak
Magkano matatanggap ng Edad 80,85,90,95 at 100 yrs old
Ayon naman sa RA 11982 o mas kilala sa tawag na Expanded
Centenarian Act, layunin nito na mabigyan ng incentives ang mga
Pilipino na umabot sa ganitong edad
1. 80, 85, 90, at 95 yrs old - 10,000.00 pesos
2. 100 yrs old - 100,000,00 cash benefits
Paano mag apply sa Centenarian
1. Pumunta sa inyong municipyo at hanapin ang PESO o Public
Employment Service Office o ang sangay na ng poproseso ng
centenarian benefits. And iba ay sa OSCA na rin mismo
2. Mag fill-up ng form at i submit lahat ng required na dokumento
na nagpapatunay na kayo ay edad 80,85,90,95, at 100 yrs old
3. Kung ang claimant ay PWD, bedridden, o hindi na maka bangon,
pwede mag padala ng authorizaion letter kasama ang mga dokumento
na magpapatunay ng kanilang edad.
4. Magdala rin ng picture o selfie ng senior citizen na may
hawak na kalendaryo at nakaturo sa date ngayon
Ang representative ay dapat magdala rin ng ID para sa pagkaka
kilanlan
5. Magintay ng tawag pagkatapos mai proseso ng mga ilang araw
6. Kunin ang inyong centenarian benefits kung saan kayo ng apply
Информация по комментариям в разработке