It’s Showtime June 17, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime June 17, 2024 | Full Episode

Extended ang weekend, madlang people! At kung nabitin kayo sa K-Drama marathon nitong Sabado at Linggo, “It’s Showtime” na ang bahalang mag-extend ng K-Drama vibes para sa inyo!

Kasama natin this holiday ang Korean talent na si Kim Won Shik. Oppa-pakiligin n’ya kayo sa isang matamis na harana. At mas lalo nyo s’yang mamahalin dahil ang Korean cutie na ‘to, may ‘pusong Pinoy’ pala. Halos ‘second home’ na niya ang Pilipinas kung saan siya tumira at nag-aral nang anim na taon. Matutuwa ka rin sa husay n’ya sa pagsasalita ng Tagalog.

‘Da best ang acting at kulit kasama sina Argus, Kulot, Kelsey at Jaze sa “Showing Bulilit.” Kahit walang linyahan, mata pa lang nila, buo na ang eksena. Mukhang ready na sa kanilang ‘actors’ at ‘actresses’ era ang mga bagets. Let’s see kung sa kanilang pangmalakasang akting, title ng movies ay ma-gets.

Ang mga pares na manghuhula for today’s video: Karylle at MC, Jhong Hilario at Jackie Gonzaga, Ryan Bang at Darren Espanto, Teddy Corpuz at Cianne Dominguez, Jugs Jugueta at Vhong Navarro, at sina Lassy with import from ‘SOU’ na si Eris Aragoza.

Advantage sa players ‘pag kasama sila sa cast ng pelikulang pinahuhulaan. ‘Yun nga lang, ‘wag mauunahan sa pagpindot, para puntos ay hindi masulot.

‘Pag kulang sa oras, relasyon ay maaaring magwakas. Nang maghiwalay sina Tinay at ang dating boyfriend, pumasok sa eksena si Otep na nasungkit ang kanyang puso sa ma-effort nitong paghatid-sundo at masasarap na luto.

Puno ng sakripisyo ang kanilang pagmamahalan. Pero bumaliktad ang mundo nang si Tinay ay masyadong naging busy sa trabaho. Para kahit paano’y makalimot, si Otep, sa iba naghanap ng comfort. Nakarating kay Tinay ang pakikipagkita ni Otep sa ibang babae, na ex-gf pala n’ya. Oh, no! Lagot na! Masakit at mapait ang mga sumunod na eksena.

Alamin ang buong kwento sa “EXpecially For You.”

Nagningning ang entablado para sa mga estudyanteng may natatanging talento. Tunghayan ang naging pasiklaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Mala-anghel na tinig ang panlaban ni Angel Anne Bitang, ang ipinagmamalaking pambato ng Lemery Colleges na kumanta ng “Halik.”

Hindi man ‘easy’ ang tapatan sa tanghalan, buong-puso pa rin na lumaban si John Ramirez ng University of Rizal System na umawit ng “There’s No Easy Way.” Siya ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina ‘hurado’ Jed Madela, Zsa Zsa Padilla, at Louie Ocampo. Siya ang daily winner at pasok sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке