And The Breadwinner Is ⭐ GOLDWIN REVIEW 5/5

Описание к видео And The Breadwinner Is ⭐ GOLDWIN REVIEW 5/5

Kapag sinabing Vice Ganda movie, napakadaling sabihin na panget yan. Hindi natin masisisi ang mga manunuod dahil sa nagdaang mga taon, ang karamihan sa mga pelikula niya ay hindi talaga maganda.


Nag-iba ang ihip ng hangin ngayong taon. Sa pagkakataong ito, angat na angat sa ganda ang kanyang pelikula. Handa itong ipaglaban ng page na ito hanggang dulo dahil ganun siya kaganda. Hindi ito pwedeng isantabi at balewalain.


This is Vice Ganda’s best film of all time.

This is one of the best Filipino films this year.

This is Filipino family at its core.


Dalawang oras ang pelikula pero hindi mo mararamdaman ang haba nito. Walang matamlay na eksena. Simula pa lang, nakakatawa na. May mga waley na jokes, pero parating natatabunan yun ng mga havey na jokes. May hugot ang karamihan sa mga patawa. Konektado ito sa istorya. Walang bastos. Pampamilya siya.


Kung hindi ka tatawa ay mapapaiyak ka. Minsa’y nagkakasabay pa. Hindi sila nauubusan ng baon para sa mga manunuod. Hindi lang tinapay ang kanilang naibigay. Pati puso at kaluluwa. Busog ang tiyan kakatawa. Maga ang mata kakaiyak.


Lahat ng artista rito ay nabigyan ng pagkakataon para magniningning. Lalabas ka ng sinehan na kilala mo ang bawat miyembro ng pamilya. Walang naiwan.


Unang tingin kay Maris Racal, maaalala mo agad ang kanyang isyu. Pero habang pinapanuod mo siya, mabilis mong makakalimutan yun dahil mas nangibabaw ang kanyang talento. Nakakatawa siya rito.


Madalas nating makita sina MC at Lassy na sidekick ni Vice Ganda, pero ngayon, may sarili silang ganap dito. Hindi mahaba ang kanilang eksena, pero pambihira ang kanilang nagawa. Tiyak na tatatak sa inyong memorya.


Ang saya panuorin ni Via Antonio dahil antaas ng kanyang energy. Nakakadala ang karakter ni Gladys Reyes. Ang sarap niya hampasin. Isama mo na si Jhong Hilario na nakakagigil din. Epektibo ang naging pagganap ni Anthony Jennings. Ang cute at ang sweet nina Argus at Kulot. May kirot sa puso ang presensya nina Malou De Guzman at Joel Torre.


Para kay Kokoy De Santos, isa kang tunay na aktor. Ang ganda ng sinisimbulo ng kanyang karakter—at nabigyan niya ito ng kulay at buhay.


Nakakabilib ang husay na ipinakita ni Eugene Domingo. May lalim at laman ang kanyang mga sigaw. Natutumbok niya ang mga dapat sabihin nang hindi nag-aalinlangan.


Vice Ganda gave an award-winning performance. Hindi pilit ang kanyang pag-iyak. Tagos sa puso ang kanyang mga sinasabi. Maliban sa mamangha ka sa galing niya, madadagan din ang respeto mo sa kanya bilang artista. The ‘Unkabogable Star’ now has a deeper weight and meaning.


The collaboration between Vice Ganda and Jun Robles Lana exceeded all expectations, combining comedy and drama without constraints. That long confrontation scene without cuts is a heart-tugging moment in Philippine Cinema that will be remembered for years. The tribute for Vice Ganda’s filmography is truly appreciated.


No other song can accompany this film than “MAPA” by SB19. The lyrics perfectly symbolizes the character’s struggles and story. Dagdag-iyak nung pinatugtog na ito sa pelikula. Sobrang sakto kung paano siya ginamit at ipinasok sa eksena.


Hindi man perpekto ang pelikulang ito pagdating sa usaping teknikal. Ngunit perpekto ito sa pagbigay ng mabibigat na emosyon at makabuluhang mensahe. Perpektong regalo ito para sa buong pamilya.


Breadwinner ka man o hindi, madadala ka sa pelikulang ito. Magkaroon man ng awards ito o hindi, panalo na ito sa puso ng mga Pilipino.


By touching the lives of Filipino families,

this film already won by a mile—and left no crumbs.


Thank you for this gift.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке