NILAGANG BABOY // Simple pero sobrang sarap!

Описание к видео NILAGANG BABOY // Simple pero sobrang sarap!

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat!
Ilang oras nalang at panibagong taon nanaman ang darating.Kaya naman karamihan sa atin ay busy sa paghahanda para sa pagsalubong nito.Parte ng paghahanda nating mga pinoy ay ang paghain ng mga pagkain na pampaswerte na nakasanayan na nating tradisyon at aminado akong isa ako sa mga gumagawa rin nito taon taon at naniniwala ako na may magandang naidulot ito sa akin basta samahan lang ng sipag at gabay ng Maykapal.Isa sa inihahanda ko tuwing Media Noche ang dish na may sabaw dahil bukod sa masarap humigop ng sabaw dahil malamig ang panahon,ang sabi nila ang sabaw or soup ay nagsisimbolo daw ng mainit na pagsasama ng pamilya at umaapaw o bumubuhos na biyayang matatanggap at ang green leaves naman o dahon ay nagsisimbulo ng pera o wealth.Wala naman mawawala kung maniniwala tayo sa mga ganitong tradisyon basta samahan natin ng sipag at tiyaga makakamit natin lahat ng ating pinapangarap hindi para sa sarili mo,ito ay para rin sa pamilya mo.Happy New Year everyone!
Maraming maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at patuloy na pagsuporta sa aking yt channel,kayo po ang naging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang pagbabahagi ko sa inyo ng mga munting kaalaman ko sa pagluluto.Godbless po sa inyo
Thank you and Godbless
Ingredients:
1 kilo pork
2 potatoes
1/2 head cabbage
2 stalks onion leeks
2 medium onions
2 pork cubes
crushed peppercorns
water
fish sauce
2 bunches pechay
Happy cooking!
Godbless

Комментарии

Информация по комментариям в разработке