HANGGAT SA MULING PAGKIKITA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG | MERCY BLESS

Описание к видео HANGGAT SA MULING PAGKIKITA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG | MERCY BLESS

HANGAT SA MULING PAGKIKITA
By:Ian Joshua L. Ejar
PRODUCED BY: MERCY BLESS

Maraming nagsasabi kung bakit mas pinili kong manatili
kung bakit mas pinili kong ipaglaban ang pag-ibig na wala namang patutunguhan at walang
kasiguraduhan kung maari bang mapagbigyan.
Binaliwala ko ang sinabi ng iba at mas pinili ko na pakingan ang sinasabi nitong aking puso't
isipan
na kahit alam kong sa huli ako'y masasaktan lang at maiiwang luhaan.
Ngunit habang dumadaan ang mga araw parang 'di parin malinaw ang mga katanungan na
umudyok sa aking isipan ay unti unti nang nabibigyan ng kasagutan.
Ang pag-asang minsang nagbigay ng katiyakan ay dahandahan ng nahulog sa kawalan
Rason na dapat na kitang pakawalan at ipaubaya ka sa taong iyong pinaglalaban at nang
maging masaya ka habang ako'y paliihim na nasasaktan.
Isa palang malaking pagkakamali na pinagtatagpo tayo ng tadhana na ang akala kong ikaw na
ay maling hinala ko lang pala At sana alam mo kung gaano ako nasasaktan habang ikaw ay
tinitingala sa kalawakan.
Umaaasang mahagkan at masilayan man lang ang iyong mga mata na minsan nang pumawi ng
aking mga luha.
At Hangang ngayun ako'y patuloy na umasa na sa muli nating pagkikita muli kong masambit
ang salitang mahal parin kita kahit di man tayo ang magkasama.
Hangang sa muling pagkikita!

Комментарии

Информация по комментариям в разработке