Tagalog Christian Music Video | "Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay"

Описание к видео Tagalog Christian Music Video | "Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay"

Kung gusto mong marinig ang tinig ng Diyos, tanggapin ang Panginoon sa lalong madaling panahon at pumasok sa kanlungan kasama ang iyong pamilya, mangyaring i-click ang link ng Messenger upang makipag-ugnayan sa amin. Ikalulugod naming makipag-usap sa iyo.
Messenger: https://shurl.me/TLMessenger

Tagalog Christian Music Video | "Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay"

Diyos kumakapit 'di sa luma,
ni tumatahak sa dating daan;
walang pagbabawal sa gawain at salita Niya.
Sa Diyos, lahat ay libre,
malaya, walang paghihigpit.
At dala Niya sa tao'y kasarinlan at kalayaan.
Siya ang buhay na Diyos,
totoong umiiral.
'Di laruan, 'di idolo, Siya ay iba dito.
Siya'y buhay at masigla,
salita't gawain Niya
dala'y buhay at liwanag,
kalayaan sa sangkatauhan.

Hawak Niya'ng katotohanan,
ang buhay, at ang daan,
sa salita't gawain Niya Siya'y 'di napipigilan.
Hawak Niya'ng katotohanan,
ang buhay, at ang daan,
sa salita't gawain Niya Siya'y 'di napipigilan.

Anumang sabi nila o pagkaintindi sa gawain Niya,
isasagawa pa rin Niya'ng gawain,
walang pasubali.
'Di Siya nababahala
sa pagkaunawa't pag-akusa ng tao.
Matinding pagtutol nila'y 'di makakapigil sa Kanya.
Walang katwiran ng tao,
imahinasyon, kaalaman, o moralidad
maaaring panukat o pangtukoy
sa gawain ng Diyos.
Walang nilalang na makakasira, makakaabala,
walang makakagambala sa Kanyang ginagawa.

Walang sinumang nagbabawal
sa Kanyang ginagawa,
at ito'y 'di mapipigil ng anuman o sinuman.
Walang salungat na puwersang gugulo sa anuman.
Sa bagong gawain Niya,
Siya'y laging waging Hari.

Puwersa ng kaaway at heresiya ng tao,
lahat ay niyurakan sa ilalam ng tuntungan Niya.
Alinmang bagong yugto
ng gawaing Kanyang ginagawa,
'to'y dapat malinang at mapalawak sa tao,
isagawa nang walang hadlang
sa buong sansinukob
hanggang Kanyang dakilang gawain ay ganap.

'To'y pagkamakapangyarihan sa lahat,
dunong at lakas ng Diyos.
Walang pagbabawal sa Makapangyarihang Diyos.
Gawain Niya'y may prinsipyo,
nguni't walang pagbabawal,
dahil Diyos Mismo ang katotohanan,
ang buhay, at ang daan.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Ebanghelyo ng Pagbaba ng Kaharian: https://bit.ly/2zlHT34
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos: https://bit.ly/2WI52EH
Maaari ninyong i-download ang app ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Google Play: http://bit.ly/2Oj7Kxv
App Store : https://apple.co/2zlHVIe
CAG Hymns - Mga Bagong Awitin ng Kaharian App.
Google Play:https://bit.ly/3fzlyPU
App Store : https://apple.co/2YPLS2k
Email: [email protected]

#TagalogChristianSong #ChristianSongTagalog #MakapangyarihangDiyos

Комментарии

Информация по комментариям в разработке