Makati Mayor Abby Binay, naghain ng kandidatura sa pagkasenador

Описание к видео Makati Mayor Abby Binay, naghain ng kandidatura sa pagkasenador

Naghain ng kaniyang certificate of candidacy sa pagkasenador si Makati City Mayor Abby Binay ngayong Biyernes, October 4.

Ayon kay Mayor Binay, kapag siya ay nahalal, isusulong niya ang expanded social programs sa edukasyon at kalusugan, at palakasin ang lokal na pamahalaan.

Nilinaw rin ng alkalde na walang isyu sa kaniya na makatrabaho si Sen. Pia Cayetano. Ito ay sa kabila ng alitan ng mga Binay at Cayetano kaugnay sa Embo barangays.

Matatandaang kabilang sila sa senatorial slate ng adminstrasyong Marcos para sa 2025 elections.

Pagdating naman sa posibleng tapatan ng kaniyang kapatid na si Sen. Nancy Binay at asawa niyang si Rep. Luis Campos sa pagka-alkalde ng Makati, wala aniya naging diskusyon at hahayaan nila ang publiko na magdesisyon. #BilangPilipino2025 #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке