BLESSING OF ST BENEDICT MEDALS | BENEDICTINE CELESTINE VIRTUAL BLESSING | DOM LORENZO MARIA, SSCV

Описание к видео BLESSING OF ST BENEDICT MEDALS | BENEDICTINE CELESTINE VIRTUAL BLESSING | DOM LORENZO MARIA, SSCV

VIRTUAL BLESSING OF MEDALS
(Just place your phone speaker over the St. Benedict Medals)

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ✠ at ng Espiritu Santo. AMEN.

Ipadala sa amin ang pagtulong,
O Panginoon, mula sa kaitaasan.

R. At mula sa Sion ay magbantay sa amin.

O Panginoon, dinggin Mo ang aking panalangin.

R. Hayaang umabot ang pagtangis ko sa Iyo.

Sumainyo ang Panginoon.

R. At sumaiyo rin.

PAGBABASBAS:

Makapangyarihang Diyos, ikaw na labis-labis magbigay ng bawat kabutihan, nagsusumamo kami na sa pamamagitan ni San Benito ay basbasan ✠ Mo ang mga medalyang ito at pabanalin, silang mga may titik at mga simbolong nakaukit na iyong tinakda. Hayaan mong silang gagamit o magsusuot nito, na naghahangad lamang gumawa ng kabutihan, ay magtamasa ng kalusugan sa pangangatawan at espiritu,

Ang biyaya ng paglago sa kabanalan, kalakip ang mga indulhensiyang ipinagkakaloob sa pagsusuot nito. At maligtas nawa sila sa tulong ng Iyong awa at sa lahat ng pag-atake at panlilinlang ng demonyo, at sa wakas ay tumindig sa Iyong harapan na walang bahid ng kasalanan at nang may kabanalan, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Panginoong HesuKristo, niloob Mo, upang maligtas ang sangkalupaan, na isilang sa pamamagitan ng Birhen at mapasailalim sa pagsusunat; na Ikaw ay itakwil ng mga Hudyo at ipagkanulo ni Hudas; na ikaw ay igapos, koronahan ng tinik, ang Iyong mga kama at paa ay mapako, na mabayubay sa Krus sa pagitan ng mga salarin na namatay sa Krus, at sa huli ay sabitin ang tagiliran Mo!

Sa pamamagitan nito, ang Iyong banal na Pagdurusa, nagpapakumbaba kaming nagsusumamo na alisin ang lahat ng silo at panlilinlang ng diyablo mula sa kanilang mga tumatawag sa Iyong banal na ngalan, sa pamamagitan ng paggamit nitong mga kataga at simbolong itinakda Mo; at nawa’y Iyong kalugdan na akayin sila sa pinto ng kaligtasan, tungo sa Iyo na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Nawa ang pagpapala ng makapangyaring Diyos, Ama at Anak ✠ at Espiritu Santo ay manahan sa mga medalyang ito at sa lahat ng magususot o gagamit nito at manatili magpakailanman. Amen.

(Wiwisikan ng mga madalya gamit ang agua bendita)

San Benito, Ipanalangin mo kami!

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ✠ at ng Espiritu Santo. AMEN.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке