GAYUMA

Описание к видео GAYUMA

#ManuelOrtegaAbis #Gayuma https://manuelabis.com/

GAYUMA
Manuel Ortega Abis

Kabathalahan:

Nang dumating iyong babae, pumalibot sa kaniya ang mga bata, umawit ng ilang mga katutubong awitin ang mga ito sa kaniya, at sumayaw na rin ng ilang mga katutubong sayawin. Doktoresa ang itinawag sa kaniya ng mga bata. Ang babaeng doktor.

Bago matapos ang araw na iyon, nagawa na niyang ihanay ang lahat ng mga bata doon sa gilid, at pagkatapos ay isa-isa niyang itinulak ang mga ito sa bangin upang pahupain ang loob ng kabathalahan.

Salamangka:

“Igayak mo iyong itim,” ang sabi ng babae sa kaniyang asawa.

“Ngunit nakapananakit iyong itim.”

“Hindi. Gamitin mo iyong mga gagambang kamay mo. Kuhanin mo iyong kandila at ikiskis mo iyong pagkit at pagkamitsa nito sa panloob na balat ng iyong mga sapatos. Pagkatapos, igayak mo iyong itim bago tayo umalis. Ano ka ba naman? Nakalimutan mo na ba kaagad iyong salamangka?”

Palit-Ulo:

Isang bagong-silang na sanggol na babae ang bahagyang nauntog ang inaantok na ulo sa suso ng ina, habang hinahambalos ng kaniyang ama ang ulo ng isang puting manok sa panlabas na tigas at bigat ng sangkalan.

Binyagan ang tawag dito ng kabataan, ngunit ang tawag naming matatanda dito ay palit-ulo.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке