KILALANIN ANG MGA ANAK NI RUDY FERNANDEZ

Описание к видео KILALANIN ANG MGA ANAK NI RUDY FERNANDEZ

KILALANIN ANG MGA ANAK NI RUDY FERNANDEZ

Si Rodolfo Valentino Padilla Fernandez o mas kilala natin bilang Rudy Fernandez o sa bansag na “Daboy” ay isang multi-awarded Filipino actor. Siya ay isinilang noong ika-3 ng Mayo taong 1952 sa Tondo, Maynila.
Siya ay anak ng dating aktres na si Pilar Padilla at director na si Gregorio Fernandez.
Bilang anak ng mga batikan sa industriya ng pelikula si “Daboy” ay madaling napasok at sumikat sa pagiging action star noong dekada 80 hanggang dekada 90.
Sa edad, na tatlong taong gulang, lumabas na siya sa pelikulang “Luksang Tagumpay” na kung saan ang kaniyang mismong ama ang naging direktor sa nasabing pelikula.
Nagtuloy-tuloy ang karera ng pag-aartista ni daboy habang siya’y isang estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Naging bida siya sa unang pelikula na pinamagatang “For Your Mama” sa ilalim ng “Sampaguita Pictures” na kung saan nakapapirma sya ng kontrata.
Una siyang itinambal kay Connie Angeles sa pelikulang “Sweet Matutina.”
Dito nagsimula ang kaniyang pagsikat hanggang maging isang batikang action star.
Isa sa kanyang mga pelikulang tumatak sa maraming manonood ay ang “Markang Bungo” na kung saan sumikat ang katagang “Walang personalan, trabaho lang”.
Sa katunayan nagkaroon pa ang nasabing pelikulang ng karugtong na pinamagatan namang “Iligpit si Bobby Ortega, Markang Bungo 2”.
Paglipas ng panahon ay bumagsak ang produksyon ng maaaksiyong pelikula simula sa taong 2000.
Siya’y ay gumanap rin sa mga palabas pantelebisyon na kung saan nakatambal niya si Rosanna Roces sa “Da Boy, en Da Girl”.
Dahil sa angking galing niya ay ginantipalaan siya ng iba’t-ibang parangal.
Nagkaroon siya ng dalawang FAMAS Best Actor Award para sa pelikulang “Batuigas: Pasukuin si Waway”.
Dalawa ang babaeng minahal ni Rudy Fernandez at mula rito ay nagkaroon siya ng tatlong anak. Narito’s Kilalanin natin ang mga naging anak ni Rudy Fernandez.

1. Mark Anthony Fernandez
Nagkaroon siya ng anak kay Alma Moreno na si Mark Anthony Fernandez na katulad ng kanyang ama, bata pa lamang ay tinahak na ang pag-aartista.
Si Mark ay ipinanganak noong Enero 18, 1979 at ngayon ay nasa apanaput dalawang taong gulang na.

Ang iba pang mga sikat na personalidad na kapatid ni Mark Anthony sa ina ay sina Vandolph Quizon, Wynwyn Marquez, Yeoj Marquez, Vitto Marquez, at Alfa Salic.

2. Raphael Fernandez
Si Raphael Gregor Fernandez ang panganay na anak ni Lorna Tolentino kay Rudy. Gaya ng kanyang mga magulang ay isa rin siyang aktor. Nakilala si Rafael nang gampanan niya ang pagiging kontrabida sa 2011 Wansapanatym Presents: Buhawi Jack.
Nagtapos si Rap ng filmmaking degree sa Ateneo de Manila University. Mas naging interesado si Rap sa pagdidirect at pagpoproduce ng mga palabas kaysa maging artista.

3. Renz Fernandez
Si Renz Marion Fernández ay isa ring actor. Isinilang siya noong Spetyembre 8, 1985. Naging Contract Star siya noon ng ABS-CBN star magic. Kalaunan ay ay pumirma ng kontrata sa GMA7 at nag star sa Prinsesa ng Buhay Ko bilang si Luis Grande.
Ilan pa sa mga palabas na kinabilangan niya ay Impostora, The One that Got Away, Cain at Abel, The Better Woman at Descendant of the Sun.

Tila naipasa ni Rudy Fernandez sa kaniyang mga anak ang husay sa pag-ganap ng iba’t-ibang karakter sa mga pelikula.

Si “Daboy” ay pumanaw noong June 7 ,2008, labingtatlong taon na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay patuloy na tinatangkilik ang kanyang mga gawa sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Magsubscribe sa aming channel para sa mga videong kagigiliwan ninyo. Salamat sa panonood.

👇🔔 Click the link below! SUBSCRIBE HERE for more videos:
   / samannestvsubscribe4more  

💛 Check out our TOP PLAYLIST - more videos for you to enjoy here:

CELEBRITY NEWS
   • Видео  

MGA ANAK SA IBA'T-IBANG BABAE
   • MGA NAGING ANAK NI EDDIE GUTIERREZ SA...  

TOP 5/ TOP 10 LIST
   • Видео  


👍📢 If you enjoyed our video LIKE and SHARE this and tell us if you have any VIDEO REQUEST. We'd love to see your comments below!

💕 Connect & Follow us HERE:

✔️TWITTER:   / samannestv  
✔️INSTAGRAM:   / samannes_tv  
✔️ FACEBOOK:   / subscribetoouryoutubechannel  


#Subscribe4More
#LikeAndShare

Комментарии

Информация по комментариям в разработке