Video Title: 10 DAHILAN kung bakit ika'y KAPOS at ano ang magagawa mo
Join this channel to get access to perks:
/ @brainpower2177
Siguro lahat naman tayo ay nahaharap o nakakaranas na sa sitwasyong parang blanko tayo, minsan nalilito tayo kung ano ba ang layunin natin sa buhay, minsan naglalaho ang ating ambisyon dahilan na rin na nawawalan tayo ng gana sa mga pinagagawa natin, at ang mas masakit pa, nararanasan natin ang walang pera. Yung kapos na kapos tayo. Naghihikahos. Naranasan mo ba 'yon? Itatak lang natin ito sa isipan natin, kung tayo ay kapos, tanggapin natin na tayo lang ang may gawa nito. Tayo mismo ang may pananagutan dito. 'Wag nating isisi sa iba kung bakit nagkaganito ang ating buhay. Because nobody else is gonna look after you other than yourself. Heto na ang 10 dahilan kung bakit kapos tayo at ano ang dapat nating gawin.
Unang dahilan kung bakit ika'y kapos, HINDI KA MARUNONG MAG BUDGET
Budgeting is the process of allocating specific amount of money that you are going to spend on different things. Kung hindi ka marunong mag budget, siguradong taob ang bulsa mo. Dapat simula ngayon, aware ka na sa spending patterns mo. Dapat alam mo kung saan papunta ang pera mo. Ito ah, kahit gaano pa kalaki ang sahod mo, wala pa rin 'yan kung hindi mo alam kung paano budgetin 'yan. Kaya ang maipapayo ko sa 'yo, MAGSIMULA ka ng mag BUDGET.
Pangalawang dahilan kung bakit ika'y kapos, NAKAPOKUS KA LANG SA IBANG TAO
Oo nakapokus ka lang sa karangyaan ng iba. Paano ka magkakapera kung hindi mo pinapansin ang sarili mong buhay? Stop comparing yourself with other RICH PEOPLE. Sabi ni Theodore Roosevelt, Comparison is the THIEF of JOY. Totoo 'yan. Walang maidudulot na maganda sa buhay mo ang palaging pagkokompara, lalong lalo na kung ang pag-uusapan ay PERA. Ikinokompara mo ang kahirapan mo sa karangyaan ng iba, d'on pa lang TALO ka na kaagad. Comparison raises your expectations and you get hurt if you don't fulfill them. Ang buhay natin ay parang karera kasi 'yan, tumatakbo ang bawat isa sa atin. Yung iba ay nauuna. Yung iba naman ay nasa huli. But eventually pareho tayo ng landas na tinatakbuhan. Kaya't 'wag mong ikompara ang kita mo or asset mo sa kita o asset ng ibang tao. Magpokus ka lang sa buhay mo. Magpokus ka lang sa mga layunin mo. Ang gusto ko lang na gawin mo, ikompara mo ang buhay mo noon at buhay mo ngayon, nang malaman mo kung may nag-iimprove ba.
Pangatlong dahilan kung bakit ika'y kapos, AYAW MONG TUMANGGI
Lalo na kung ang pag-uusapan ay mga barkada mo. Halimbawa nagyaya sila na mag-inuman, o kumain sa labas, pwede mo naman silang tanggihan. Lalo na kung wala kang budget para diyan. Isipin mo naman ang pera mo. Mahirap magtrabaho. Ang tagal ng sahod tapos ang dali lang gagastusin. Yes, I know na parang ang sarap kapag nagsasabi ka ng OO ng OO sa ibang tao, it's KIND to say YES but it's NOT always good. Oo ang sarap gumala na kasama sila tapos bukas ano na? Balik na naman ulit sa dating kapos. Halimbawa rin may anak ka, sinasama mo sa mall o sa ibang tindahan, tapos may nakita siyang laruan, he's crying for a toy, yes ka lang ng yes, pinagbigyan mo naman kahit wala na sa budget 'yon, sa tingin mo ba'y wala lang 'yon? It will always backfire. The more na YES ka lang ng YES, your child will cry again for more toys. Lalaki siya ng ganoon ang mindset. Dapat iparamdam mo sa kanya na hindi lahat ng bagay ay ganoon lang kadaling kunin. Don't let it become a bad habit and learn to say NO sometimes. Sabi nga sa Bibliya, basahin natin ang Mateo 5:37,
“Pero tiyakin ninyo na ang inyong ‘Oo’ ay oo at ang inyong ‘Hindi’ ay hindi, dahil ang pagiging di-tapat sa sinasabi ay katangian ng masama.”
Dapat tapat ka sa mga sinasabi mo. Kung ayaw mo, kung hindi pwede, tumanggi ka. Ito kasi ang problema kung OO ka lang ng OO, people will take you for granted. Hindi mo gusto 'yon, 'di ba? So find out good ways to say NO to most of the things that doesn't matter in your life.
TRANSCRIPT: https://bit.ly/3IJlmfx
▶ Infraction - No Copyright Music
Cinematic Motivational Trailer by Infraction [No Copyright Music] / Film
Music Link: • Cinematic Motivational Trailer by Infracti...
--------------------------------------------------------------------------------------------
Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: junbal2177@gmail.com
--------------------------------------------------------------------------------------------
Speaker:
Brain Power
/ brainpower2177
Facebook Page: / brainpower2177
Instagram: @junbal2177
Twitter: @BrainPower2177
If you find my content helpful, click subscribe and the notification bell - / brainpower2177
----------------------------------------------------------------------------------------------
#FinanciallyBroke #MoneyWise #BrainPower2177
Информация по комментариям в разработке