Vlog Populi: State of the Nation Address 2024

Описание к видео Vlog Populi: State of the Nation Address 2024

Sa darating na Lunes, Hulyo 22, muling ilalatag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga plano ng kanyang administrasyon para sa bansa sa kanyang ikatlong Ulat sa Bayan.

Nitong nakaraang taon, umunlad ang ekonomiya ng bansa. Naipatupad din ang ilang mga batas para sa pag-unlad ng iba't ibang sektor.

Sa kabila ng mga nagawa ng pamahalaan, patuloy itong humaharap sa samot-saring hamon gaya ng ilegal na pananatili ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea, mataas na presyo ng bilihin at mga suliranin sa sektor ng edukasyon.

Sa dami ng kailangang ayusin ng administrasyon, tinanong ng The Flame ang mga Pilipino mula sa iba't ibang sektor: Anong isyu ang dapat mas pagtuunan ng pansin ni Pangulong Marcos sa ikatlong taon ng kanyang pamumuno?

Комментарии

Информация по комментариям в разработке