College Life 2 (Fun Moments) + XP PEN review | Pinoy Animation

Описание к видео College Life 2 (Fun Moments) + XP PEN review | Pinoy Animation

Sasabihin ko nan g diretsahan, mahirap sa college. Kaya irerecommend ko talagang sundin nyo yung una kong pinayo sa inyo. Lalo pa kung gaya ko nga kayo na…..di katalinuhan. I mean, matalino ako! pero hindi lang sa academics…..basta matalino ako. maniwala nalang kayo. Di ko naman din sinasabing kaya masolusyonan ng pagkakaron ng kaibigan ang lahat ng kakaharapin nyo sa college, what I mean is, at least ba, mabawasan kahit papano yung load na pasan mo. gaya ng siguro may mapaglabasan ka ng sama ng loob mo. oi malaking tulong yung pagvevent out ng frustration mula sa studies ah. And siguro yung may mag eencourage din sayo pag minsan tinatamaan ka ng doubts sa utak mo or kung malala depression. Na kung kakayanin mob a o hindi, kung mamemeet mob a yung expectations ng mga taong nakapaligid sayo etc.. Halimbawa nalang, sa isang gaya ko na hindi naman talaga gusto ang course na pinasok pero kailangna parin tapusin kasi wala naman akong choice during that time, sobrang nakatulong ang mga kaibigan ko para maipagpatuloy at matapos ang course na pinasok ko. Kaya ako rin, in my part, para makabawi ginagawa ko rin lahat ng makakaya ko para makatulong sa kanila. Hanggang sa ayun, nagulat nalang ako natapos ko na pala ang arki. Tapos eto pa ah, Iba ang fulfillment pag nakita mong hanggang huli, hanggnag graduation, magkakasama parin kayo. Na nalampasan nyo lahat ng akala nyo hindi nyo kaya. Kasi Nawitness nyo sa bawat isa yung struggle eh diba, dinamayan ang isat isa and eventually makikita nyo nalang mga sarili nyo na nasa tuktok na. ang sarap sa feeling. Then yung alam mo ring kahit papano, may naging contribution ka sa tagumpay na narrating ng kaibigan mo (kahit sila naman talaga yung mas malaki ang naitulong sakin hehe) one of the best feeling sa mundo. ayun lang, napahaba nanaman kwento ko. daldal daldal ih. Osya bye na talaga. kitakits sa next vid. Love you all!!

----------
Pls consider subscribing to these channels
Music used:
Breaking News Background Music ( 4K video & sound )
   • No Copyright Music For News TV and Ra...  

Music used :
Retro by Wayne jones
Music provided by chillpeach :    • Видео  
----------

My social media accounts
Facebook :   / vincedaniell  
Instagram : https://www.instagram.com/vincedaniel...
Tiktok : vinceanimation101

---------
#pinoyanimation #college #collegelife #xppen

Комментарии

Информация по комментариям в разработке