Cassandra Li Ong, muling ginisa sa pagdinig ng quad committee ng Kamara

Описание к видео Cassandra Li Ong, muling ginisa sa pagdinig ng quad committee ng Kamara

Ginisa si Cassandra Li Ong sa pagdinig ng quad-committee ng Kamara ngayong Miyerkules, Sept. 5.

Nasubok ang pasensya ng ilang mambabatas dahil sa pag-ilag ni Ong sa mga tanong kaugnay ng kaniyang pinag-aralan at kinalaman umano sa POGO hub sa Porac, Pampanga.

Makailang ulit na iginiit ni Ong na nagpapaupa lamang ang kaniyang kumpanyang Whirlwind Corporation sa Lucky South 99.

Dagdag ni Ong, minsan lang siyang sumasama sa mga lakad ng umano'y big boss ng Lucky South 99 na si Duanren Wu kapag kinakailangan siya.

Pero lumitaw sa pahayag ni Ong na nagbabayad umano siya sa PAGCOR para sa lisensya ng Lucky South 99. Ilang beses ding tumannggi si Ong na sagutin kung magkano ang pinuhunan niya sa Whirlwind Corporation.

Dahil dito, hindi kumbinsido ang mga mambabatas sa mga pinagsasabi ni Ong. Uminit din ang ulo ng ilang kongresista sa umano'y pananabat ni Ong. #News5 | via Briane Basa

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке