BINUNTIS DAW SIYA NI PO1. SIGAW NG PULIS, BABY IPA-DNA TEST!

Описание к видео BINUNTIS DAW SIYA NI PO1. SIGAW NG PULIS, BABY IPA-DNA TEST!

Tatlong buwang buntis si Jesselle Sakili at nais niyang hingian ng sustento ang ama ng bata na si PO1 Beaker Sacris.

Tinanggi naman ito ni PO1 at sinabing maaaring hindi kanya ang bata dahil may boyfriend daw si Jesselle habang sila ay may relasyon. Wala naman daw itong katotohanan sabi ni Jesselle.

Sa tulong ng programa, naiakyat kay General Eleazar ang isyu na ito at doon sa kanyang opisina pinagharap ang dating magkarelasyon upang ayusin ang kinahaharap nilang isyu.

PAALALA: Huwag maniniwala sa ano mang text o tawag na nagpapakilalalang staff ng Raffy Tulfo in Action. Ang lahat ng reklamo ay aming hinaharap sa TV5 Media Center lamang (Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City. Monday-Friday, 9am to 3pm). Ang aming pagtulong ay libre.

Huwag po kayong magpost ng inyong comments na gusto ninyong makatulong o nagtatanong kung paano kayo makakatulong sa mga complainant na nasa video. Marami na po kaming natatanggap na reklamo tungkol sa mga taong nagbibigay ng maling impormasyon o nagpapanggap na staff ng Raffy Tulfo in Action para makapanloko. Kung nais po ninyong tumulong sa mga taong nasa video, magsadya lamang po kayo o magpadala ng representative sa TV5 Media Center at para personal na iabot sa mismong mga taong gusto ninyong matulungan. Salamat po.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInsta...
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

Комментарии

Информация по комментариям в разработке