Kahanga hanga - Eduardo P. Hontiveros, SJ

Описание к видео Kahanga hanga - Eduardo P. Hontiveros, SJ

Kahanga hanga
Hango sa Salmo 8
Titik: Rdo. P. Redentor S. Corpuz (Diyosesis ng Imus, Cavite)
Himig: Rdo. P. Eduardo P. Hontiveros, SJ

KORO:
Kahanga-hanga ang Iyong pangalan,
O Panginoon, sa sangkalupaan;
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan.

1. Pinagmamasdan ko ang langit na gawa ng 'Yong mga kamay.
Ang buwan at mga bituin na sa langit 'Yong inilagay. (KORO)

2. O sino kaya siyang tao na Iyong pinagmamasdan?
Ginawa Mong anghel ang katulad, pinuno Mo ng karangalan. (KORO)

3. Malayo man ang tao sa lupa, sakupin man niya ang buwan.
Ikutin man ang kalangitan; ang D'yos din ang dinadatnan. (KORO)

4. Ipinagbubunyi 'Yong pangalan, ng ibon na lumilipad;
Pinahahayag ng kabundukan: "Ikaw ang Poon ng Lahat." (KORO)

**********************************************************
Solemnity of the Most Holy Trinity 2023

Комментарии

Информация по комментариям в разработке