Rep. Marcoleta, kinuwestiyon ang kakulangan ng in-house lawyers ng DMW

Описание к видео Rep. Marcoleta, kinuwestiyon ang kakulangan ng in-house lawyers ng DMW

#News5OnTape | Humarap si Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac sa Commission on Appointments (CA) para sa deliberasyon ng kaniyang ad interim appointment, May 21.

Sa kabila ng suporta ng mga miyembro ng CA sa kumpirmasyon ng kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW), binusisi ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang kawalan ng in-house lawyer ng ahensya.

Ayon kay Cacdac, mayroong dalawang legal retainer ang ahensya, pero pagdiriin ni Marcoleta hindi ito sapat lalo’t nasa higit 2,000 ang mga kasong kinasasangkutan ng overseas Filipino workers sa Riyadh, Saudi Arabia pa lamang. Dagdag niya, may pondo naman ang DMW para kumuha ng in-house lawyers na tinatayang nasa 15,000 Rial o higit P200,000.

“We will maximize our legal assistance efforts, pangako ko po ‘yan. And we will abide to your suggestion,” pagtiyak ni Sec. Cacdac.
Dahil dito, nagpasya si Rep. Marcoleta na hilingin sa CA na suspendihin muna ang deliberasyon sa confirmation ng kalihim. #News5 | Ria Fernandez

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке