Lakbay Aral|Our Lady of Lourdes Grotto |Good News May PagUusap|Pamilya Guanzon at Diocese ng Malolos

Описание к видео Lakbay Aral|Our Lady of Lourdes Grotto |Good News May PagUusap|Pamilya Guanzon at Diocese ng Malolos

Sunday Family Bonding sa Our Lady of Lourdes Grotto,Grotto Vill.San Jose Del Monte Bulacan.Saktong Anibersaryo ng Grotto mula ng buksan ito sa Publiko.Lakbay Aral na Rin ito ng mga Kidz kasama ang Aming Bahay Tricycle na si RED.
Ang Our Lady of Lourdes Grotto ay unang Binuksan sa Publiko noong Feb. 11,1965,kasabay ng Kapistahan ng Our Lady of Lourdes.Itinayo ito ng Mag Asawang Horacio A. Guanzon at Anita Guidote-Guanzon, na kilalang Pamilya sa Bulacan,Pampanga at Nueva Ecija.Bilang pasasalamat sa himalang paggaling ni Anita Guanzon sa sakit na Cancer,pagkatapos nilang pumunta at manalangin sa Lourdes France noong 1961.Pinaniniwalaan ng Pamilya Guanzon na Isa itong Malaking Himala pagkatapos sabihin ng mga Doktor na 6 na buwan na Lang ang buhay ni Anita Guanzon,pero gumaling at nabuhay pa Sya ng Halos 3 dekada.Kaya ganun na Lang ang pasasalamat ng Pamilya Guidote-Guanzon sa Our Lady of Lourdes.
Sinimulang ipatayo ng mga Guidote-Guanzon ang Replica ng Rosary Basilica pagkatapos mamatay ni Anita Guanzon noong 1990.At itoy pinamunuan na ng Kanilang mga Anak.
Noong 2004 ang nakatatandang anak ng mga Guanzon, na si Marietta Guanzon-Holmgren ay humiling sa pamunuan ng Diocese ng Malolos upang magpadala ng mga Clergy na syang mangangasiwa sa mga religious rites sa Dambana.Subalit sa mga kadahilanan, noong March 22,2004 naglabas ng circular ang Diocese ng Malolos na ang Grotto ay Hindi kinikilala ng simbahang katoliko bilang isang Roman Catholic Institution.At Hanggang noong 2019 ay Hindi pa Rin kinikilala ng Diocese ng Malolos ang Our Lady of Lourdes Grotto bilang isang Catholic Pilgrimage Site.
Sa kasalukuyan habang ginagawa ko ang Videong ito.Naglabas ng Pahayag ang Diocese ng Malolos na may nagaganap na pag uusap sa Pamilya Guidote-Guanzon at Diocese ng Malolos para sa katuparan ng pangarap ng Mag Asawang Horacio at Anita Guanzon sa Grotto.Sa katunayan ang naganap na Misa noong Feb11,2024 ay ang Unang hakbang ayon na Rin sa Diocese ng Malolos.Naway magkaroon ng positibong bunga ang pag uusap na ito para na Rin sa libo libong mananampalataya ng Dambana ng Our Lady of Lourdes Grotto.Mabubay po kayo and God Bless us all ♥️♥️♥️.Camping and Adventure.BahayTrike ni OTET. #grotto#libotbulacan#vanlife#bahaytrikeZELkel

Комментарии

Информация по комментариям в разработке