It’s Showtime July 22, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime July 22, 2024 | Full Episode

Maulan ba sa inyo? Bumubuhos ang good vibes dito! Anuman ang state ng puso mo, welcome ka sa “It’s Showtime” kung saan happiness ang hatid namin para sa’yo. Uy, ang na-miss nating lahat na si Ion Perez, nagbabalik with brand new energy. Madlang people, eyy muna kayo, eyy, para araw n’yo ay havey na havey!

Bumagyo ng ka-cute-an sa “Showing Bulilit” with Kelsey, Kulot, Imogen at Jaze. Kung hanap mo ay drama, comedy o action, meron n’yan dito, bes. Sina Imogen at Kelsey, nag-showdown sa isang aktingan na matindi

Ano pang meron dito? May biyaya para sa deserving random madlang people. May ‘bardagulan’ na dulot ay saya for all. May kasama rin tayong mala-Barbie ang beauty. Is that you, Michelle Dee? No, it’s Vice Ganda na super pretty!

Sa larong ‘to, knowledge about movie titles ang required na skill. Pero kailangan din ang mabilis na pagpindot ng buzzer. ‘Yun nga lang, sina Vice Ganda at MC, sumuko na lang at ‘di na nag-effort na pumindot pa. Dahil ang ending, sirang buzzer na naman daw ang natapat sa kanila.

Welcome to the ‘Broken Girls Club’ with Kim Chiu and Jackie Gonzaga. Eme! Naging emosyonal ang dalawa nang tanungin tungkol sa TOTGA at kung ano’ng gagawin nila ‘pag nakasalubong si ex na may kasama nang iba. Alamin ang nakakaiyak pero nakaka-inspire na sagot nila!

Samantala, nakilala natin ang student-leaders na sina Firne at Anj. It’s giving teenage love story, pero relasyon nila’y hindi basta-basta for fun. Sadyang pinili nilang i-prioritize ang pag-aaral at pagiging busy as student council officers.

Hindi rin biro ang sakit na kanilang naranasan. Dahil matapos ang breakup, si Anj, naghabol sa loob ng isang taon. Pero naging matigas ang puso ni Firne – ano kaya ang rason? Two years later, si Firne naman ang ginising ng regret at na-realize na siya’y nakasakit.

Now that they’re more matured, ready na sila for closure. At ready na rin si Firne na magkaroon ng mga bagong kakilala. Who knows? Baka isa na sa tatlong searchees ang ‘forever’ niya.

Kasinlakas ng ulan ang pagbuhos ng talento sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Dalawang estudyante aiming for the golden mikropono ang kumasa sa hamon ng entablado.

Present ang pambato ng St. Vincent’s College Incorporated na si Breany Dullente na kumanta ng “Toy.” “What About Love,” tanong naman ni Shannyn Morales ng Silliman University.

Sa gitna ng kwentuhan, natanong ni Vice Ganda sina Breany, Shannyn at ang mga co-hosts niya tungkol sa squads na kinabibilangan nila. Naalala ni Kim ang barkada niyang ChuRiGoGoBaSchu. Kung sina Anne Curtis ay may “It Girls,” baka pwede raw sumali si Lassy. Pero iibahin ang pangalan ng grupo ‘pag kasali na silang dalawa ni Vice Ganda.

Matapos ang labanan ng dalawang golden tinig, si Breany ang nakakuha ng mas mataas na grado at pasok na sa ‘prelims’ sa Sabado.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке