PART 3 - INTERVIEW WITH VICE PRESIDENT SARA Z. DUTERTE

Описание к видео PART 3 - INTERVIEW WITH VICE PRESIDENT SARA Z. DUTERTE

VP Sara: Unang-una, mensahe ko sa ating mga kababayan. Huwag silang magpadala sa ingay ng politika. Kung makikita natin sa kasaysayan, lagi talagang inaatake ang Vice President dahil siya ‘yung tinitingnan ng mga tao na baka magiging sunod na presidente. So, lahat ng mga gustong tumakbong presidente ay uunahin nila atakihin talaga ang Vice President. Kaya 'wag sila magpadala sa ingay ng paninira at pulitika.

Pangalawa, isa-isahin nila ang bawat papel sa budget ng 2023 at 2024 at 2025.

At pangatlo, kailangan magkaisa na tumulong sa mga nangangailangan. Dumadami ang naghihirap na mga pamilya. Dumadami ang nakakaranas ng gutom, kaya kailangan tayo— kaya kami, tutuloy din ang trabaho namin kahit walang budget, dahil alam namin na 'yan 'yung pinakaimportante sa ngayon, na matulungan 'yung mga kababayan natin na naghihirap at walang makain. ‘Yan ‘yung totoong problema ng bayan natin.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке