MASSFI 2022 TRUE TO LIFE STORY
TAHANAN: TULOY PO KAYO!
matatagpuan ang isang paraiso na sa loob nito ay may samahan o kapatirang pinagbuklod sa isang tawag ng Diyos / - ang tahakin ang bokasyon sa pagpapari. / Para sa amin, / at para sa akin, / ito ay itinuring na naming isang tahanan. /
Ang tawag ng Diyos ay buong-pusong tinutugon sa araw-araw, / mula sa pagsikat ng araw / hanggang sa paglubog nito. / Sa bawat araw at sandali, / mas lalo ko pang nakikilala ang Diyos / at dahil dito lalo ko pang nakikilala sa aking sarili at pati na rin ang aking pakikipagkapwa. / Ang tahanang ito ang nagpadama sa akin ng mga maraming karanasan / na humuhubog pa lalo sa aking pagkatao at pagpapakatao, / kalakip ang mga maraming pagsubok at hamon na kinakailangang harapin at ayusin.
Alam kong hindi ako nag iisa sa pagtahak sa bokasyong ito. / Maraming mga tao ang ipinapadala ng Diyos / upang ang bokasyon ng bawat isa ay mas lalo pang matugunan./ Nakakataba ng puso dahil sa labis na kagalakan at pagpapasalamat na makita’t malaman na mula sa mga mag-aaral, / mga guro, / mga layko, / maging mga kaparian, / lahat sila ay taos-pusong tumututulong sa paghuhubog / ng bokasyong nais sumibol sa pamayanan ng Diyos. / Marami rin ang nais pang tumulong, / at binibigyan ko ng halaga ang mga paraan na ginagawa ng mga paring-tagahubog sa amin / upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa sa seminaryo. / Alam kong hirap din ang mga tumutulong sa amin, / ngunit pinili nila ang magbigay. / Ito ay mas lalo pang nagbibigay sa akin ng inspirasyon / na lalo pang pagbutihin, / maging totoo, / at maging bukas sa aking pagtugon sa tawag ng Diyos. /
Ngayon, / nagpapatuloy pa rin ang love story ko with the Lord / dito sa tahanang ipinagkaloob sa akin ng Panginoon. / Nagpapasalamat ako sa Diyos / na siyang nagmamahal at patuloy na nagmamahal sa akin. / Patuloy akong tutugon sa tawag Niya dahil alam kong Siya lamang ang pupuno sa kulang na aking nadarama. / Siya ang tiyak sa isang libong duda. / Sa awa at tulong Niya, / magpapatuloy hindi lamang ang aking kwento / kundi ang kwento rin ng bawat isang tumutugon sa tawag ng Diyos / dito sa aming seminaryo – ang aming TAHANAN, / ang PARAISO ng bawat bokasyon. /
Bayan ng Diyos, Mga Ka-Layag, Tuloy po kayo!
Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo.
1 Pedro 4:10
H.E. Jose F. Cardinal Advincula, D.D.
Archbishop of Manila
Manila Archdiocesan Seminary System Foundation, Inc. (MASSFI)
Rev. Fr. Joselito R. Martin
Rector, San Carlos Seminary
Rev. Fr. Roy Rexelle M. Decena
Rector, Holy Apostles Senior Seminary
Rev. Msgr. Noly A. Que, LRMS
Rector, Lorenzo Mission Institute
Rev. Fr. Emerico Sixto Juan B. Garcia
Rector, Our Lady of Guadalupe Minor Seminary
Priest-Formators,
Seminarians,
Family Members,
Personnel,
Benefactors and Friends
Lorenzo Mission Institute SaintBoat Productions 2022
Информация по комментариям в разработке