It’s Showtime January 8, 2025 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime January 8, 2025 | Full Episode

What’s up sa mga fans ng OPM band na Spongecola?! May kilala kaming super faney ni Yael Yuzon at tropa niya. Itago natin sa pangalang Karylle, na sa sobrang pagiging fangirl, nagsuot pa ng ‘Spongecola’ shirt. Naku, ingat sa rakrakan, Binibining Kurba. Sabi nila, may pilay ka daw sa paa. Totoo ba?

At, ano naman kaya ang totoong kwento sa likod ng Spongecola hit na “Gemini”? Mukhang malalim ang hugot ni Yael nang isulat n’ya ‘to during his college days. Past is past, sabi nila. Pero, si Misis Yuzon, lumabas nga ba ang pagiging selosa?

May chinitong magbibigay-ningning sa’yong mga mata! Heartthrob na si David Licauco, bumisita para makihula sa “And The Breadwinner Is.” Samahan siyang hanapin ang tunay na breadwinner-choreographer.

Malapit talaga ang puso ng madlang people sa mga gwapo pero hindi suplado. ‘Yan si David–game na game sa kulitan at hatawan! Panoorin kung paano siya nakipagsabayan kina Ryan Bang, Teddy Corpuz, Ion Perez, Jugs Jugueta, Cianne Dominguez, at sa tatlong trabahador na tinuruan sila ng moves sa dance floor.

Ang hinahanap na breadwinner choreographer ay si trabahador 2, Joseph. Bilang solo breadwinner na ibinubuhos ang buong oras para sa pamilya, minsa’y nakakalimutan na ni Joseph ang sarili niya. Pakiramdam din niya ay napag-iwanan na siya ng panahon, dahil ang mga batchmates niya ay nakapagtapos na ng pag-aaral, samantalang siya’y nangangarap pa rin na makakuha ng diploma. At para tulungan siya na makamit ang minimithi, isang scholarship ang handog ng ‘Showtime’ family.

Dasal din ni Joseph ang maayos na kalusugan at mahabang buhay para sa tatay na na-stroke noong 2023. Buhay ng isang choreographer ay hindi palaging panalo dahil hindi araw-araw ay may nagpapaturo ng sayaw, pero patuloy lang na kumakapit si Joseph, umaasang masasabayan niya ang sayaw ng buhay.

Sa ikatlong araw ng “Resbakbakan,” tatlong estudyante ang nagbalik sa entablado para ipakita ang talento nilang pangmalakasan, at lumaban para sa pagkakataon na makarating sa “Huling Tapatan” ng Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.

Naunang sumabak sa TNT stage ang pambato ng Asian Development Foundation College. “All By Myself,” birit ni Christian Labrador, na pinuri ni hurado Erik Santos dahil sa kan’yag “powerful voice” at “range.”

Standing ovation naman ang binigay ni hurado Ogie Alcasid para kay Far Eastern University student Isaac Zamudio na kinanta ang “Writing’s On The Wall.”

Nagustuhan naman ni hurado Nyoy Volante kung paano inangkin at binigyan ng sariling istilo ni Heaven Blanco ng Bacolod City National High School ang kantang “Through The Fire.”

Komento ni Punong Hurado Louie Ocampo, pang-grand finals ang performances ng tatlong resbakers. Si Izaac ng FEU ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa araw na ito. Aabante siya sa next round sa Sabado.



#ShowtimeEskwelabakbakan
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке