DAANG KATUTUBO ADVENTURE | ROAD NETWORKS SA BUNDOK | MAPITA VIEWDECK

Описание к видео DAANG KATUTUBO ADVENTURE | ROAD NETWORKS SA BUNDOK | MAPITA VIEWDECK

Tototo nga tsismis sa isa pang makapigil hiningang tanawin sa Aguilar pangasinan. Ang 27.6km ang isa pang napakagandang proyektong daan ng DPWH ang ginagawa sa Aguilar Pangasinan na kokonekta rin ito sa sikat na Daang Kalikasan patungong Sata Cruz sa Zambales.. Tinatawag itong Daang Katutubo dahil ang mga nakatira dito ay mga Ethnic groups tulad ng Kankanaey, Bag-O at Ibaloi. Ayon sa website ng DPWH ay 64% na ang nakokompleto.
Ito ay may kabuoang budget na 934 million pesos.
Inaasahan na pag nakompleto ang proyekto ay mababawasan ang haba ng byahe na mula isang oras na magiging 30 minutes nalang.

Ang proyektong ito ay iminungkahi ni dating Congressman na ngayo'y Mayor na sa Bayan ng Lingayen sa Pangasinan na si Leopoldo Bataoil..

Ang daang katutubo ay 2 lane road mas masikip kompara sa Daang Kalikasan na 4 lane Road.
Bukod sa layunin ng proyektong ito na mas mapabilis ang palitan ng produkto at byahe mula Pangasinan patungo sa Zambales ay binubuksan din nya ang oportunidad para sa business at turismo. Hindi pa man nakokompleto ang nasabing proyekto ay dinadagsa na ng libo libong turista.

Ayon sa nakausap kong residente dito, ang daan na ito ay dating malubak lalo na yung papuntang sitio Mapita sa Brgy. Laoag kaya naman ang mga residente ng nasabing Sitio ang lubos na mabebenipisyohan sa proyektong ito.

Aabot sa mahigit tatlong oras ang byahe mula manila at masasaksihan natin ang ang ganda ng Daang katutubo.

Bukod sa makapigil hiningang tanawin sa tuktok ng bundok ay pwede nyo rin ituloy ang byahe nyo pababa sa ilog kung gusto nyo maligo at magrelax. Isama nyo narin ang paliligo sa mapita falls pero base sa aking experience ay pansamantalang ipinagbawal ang pagbisista sa Mapita falls. Ganunpaman, sulit na sulit parin ang pagbisita ko dito..

HALINA AT ATING PASADAHAN ANG PARAISO SA TUKTOK NG BUNDOK NG AGUILAR PANGASINAN.


SAMA KAYO SA BYAHE KO?

follow me on FB: @MIKETVETC

THANKS FOR WATCHING!

LIKE, SHARE AND SUBSCRIBE PLEASE

#DAANGKATUTUBO
#MAPITAVIEWDECK
#AGUILARPANGASINAN

Комментарии

Информация по комментариям в разработке