WALANG IBANG TAHANAN (SATB)

Описание к видео WALANG IBANG TAHANAN (SATB)

WALANG IBANG TAHANAN | Batay sa Salmo 139
By: Himig Heswitas
Performed by: Young Mission Apostles’ Choir

Awit para sa Ikalawang Wika ni Hesus; "SINASABI KO SA IYO: NGAYON DI'Y ISASAMA KITA SA PARAISO."

Sa bawat kong hininga
Hakbang ng aking paa
Saan man papadpad
Poon nariyan ka tuwina

Sa bawat kong salita
Laman ng puso't diwa
Isip ko't kalooban
Batid mo Diyos kailanman

Tumakbo't lumayo man
Ikaw ay talikdan
Kamay ko'y 'yong tangan
Walang ibang tahanan

Ikaw poon aking sandigan
Tanging kinakapitan
Sa iyo tumatahan
Ang puso kong hapo't sugatan

Sa bawat kong pighati
Takot hapis at hikbi
Pag-ibig mo'y pinapawi
Lungkot ng pagkasawi

Sa bawat kong hangarin
Puso na nanalangin
Ang lahat 'yong diringgin
O Amang mahabagin

Tumakbo't lumayo man
Ikaw ay talikdan
Kamay ko'y 'yong tangan
Walang ibang tahanan

Ikaw poon aking sandigan
Tanging kinakapitan
Sa iyo tumatahan
Ang puso kong hapo't sugatan

Tumakbo't lumayo man
Ikaw ay talikdan
Kamay ko'y 'yong tangan
Walang ibang tahanan

Ikaw poon aking sandigan
Tanging kinakapitan
Sa iyo tumatahan
Ang puso kong hapo't sugatan

Sa iyo walang alinlangan
Tanging ikaw aking tahanan

#SemanaSanta2024 #DSPSJ #GoodFriday #YMAers #Penitensya2024

Комментарии

Информация по комментариям в разработке