Logo video2dn
  • Сохранить видео с ютуба
  • Категории
    • Музыка
    • Кино и Анимация
    • Автомобили
    • Животные
    • Спорт
    • Путешествия
    • Игры
    • Люди и Блоги
    • Юмор
    • Развлечения
    • Новости и Политика
    • Howto и Стиль
    • Diy своими руками
    • Образование
    • Наука и Технологии
    • Некоммерческие Организации
  • О сайте

Скачать или смотреть SINO SI HESU KRISTO?

  • GotQuestions-Tagalog
  • 2022-11-26
  • 3117
SINO SI HESU KRISTO?
  • ok logo

Скачать SINO SI HESU KRISTO? бесплатно в качестве 4к (2к / 1080p)

У нас вы можете скачать бесплатно SINO SI HESU KRISTO? или посмотреть видео с ютуба в максимальном доступном качестве.

Для скачивания выберите вариант из формы ниже:

  • Информация по загрузке:

Cкачать музыку SINO SI HESU KRISTO? бесплатно в формате MP3:

Если иконки загрузки не отобразились, ПОЖАЛУЙСТА, НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если у вас возникли трудности с загрузкой, пожалуйста, свяжитесь с нами по контактам, указанным в нижней части страницы.
Спасибо за использование сервиса video2dn.com

Описание к видео SINO SI HESU KRISTO?

Sino si Hesu Kristo?
SAGOT

Hindi gaya ng katanungang, “Mayroon bang Diyos,?” iilang tao lamang ang nagtatanong ng “Sino si Hesu Kristo?” dahil halos lahat ay kumikilala na si Hesus ay totoong taong nabuhay at nanirahan sa bansang Israel dalawang libong (2,000) taon na ang nakararaan. Naguumpisa ang pagtatalo-talo kapag ang talakayan ay may kinalaman sa uri ng pagkatao ni Hesus. Halos lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na si Hesus ay isang propeta, mahusay na mangangaral, o taong makadiyos. Subalit ang Banal na Kasulatan ay nagpapahayag na si Hesu Kristo ay higit pa sa isang Propeta, mabuting Guro, o taong makadiyos.

Sa kanyang aklat na “Mere Christianity,” sinulat ni C.S. Lewis ang ganito: “Sinisikap kong pigilan ang sinuman sa pagsasabi ng ganitong kahangalan tungkol kay Hesu Kristo: 'Handa kong tanggapin na si Hesus ay isang dakila at marangal na mangangaral, ngunit hindi ko tinatanggap ang Kanyang pagpapakilala sa sarili bilang Diyos.' Iyan ang isang bagay na hindi nararapat sabihin. Ang isang pangkaraniwan lamang na tao na nag-aangkin ng gaya ng mga ipinahayag ni Hesus ay hindi kailanman maaaring maging Dakilang Guro. Maaaring nasisiraan Siya ng bait - katulad ng pagsasabi na Siya'y isang malasadong itlog - kundi man Siya'y isang diyablo ng impiyerno. Kailangan mong mamili. Maaaring ang taong ito ay ang Anak ng Diyos, o kaya nama'y isang baliw o mas higit pa sa baliw. Sabihin mo na isa Siyang hangal, duraan mo Siya at patayin o magpatirapa ka sa Kanyang paanan at tawagin siyang Panginoon at Diyos. Ngunit huwag nating palampasin ang walang kabuluhang pagturing kay Hesus bilang isang dakilang mangangaral lamang. Ang pagpili kung paano natin kikilalanin si Hesus ayon sa ating pananaw ay isang bagay na hindi Niya pinahintulutan.”

Kung ganoon, sino si Hesu Kristo ayon sa pagpapakilala Niya sa Kanyang sarili? Sino Siya ayon sa sinasabi ng Banal na Kasulatan? Una, tunghayan natin ang sinabi ni Hesus sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.” Sa biglang tingin, tila hindi ito pag-aangkin na Siya ay Diyos. Subalit suriin natin ang reaksyon ng mga Hudyo, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos” (Juan 10:33). Sa harap ng mga Hudyo, walang alinlangang inangkin ni Hesus na Siya ay Diyos. Sa sumunod na mga talata, hindi itinuwid ni Hesus ang mga Hudyo sa kanilang pagkaintindi at sinabing, “Hindi Ko inaangking Ako ay Diyos.” Pinatunayan sa talatang ito na tunay na si Hesus ay Diyos nang Kanyang sabihin, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Ang Juan 8:58 ay isa pang patunay sa pagka- Diyos ni Hesu Kristo. Tumugon si Hesus, “Sinasabi Ko sa inyo, bago pa ipinanganak si Abraham, 'Ako'y Ako na!” (Juan 8:58). Muling kumuha ng mga bato ang mga Hudyo at tinangkang batuhin si Hesus. Ang pahayag ni Hesus ng Kanyang pagkakilanlan bilang “Ako nga,” ay tuwirang paggamit ng pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan (Exodo 3:14). Bakit kailangang batuhin ng mga Hudyo si Hesus kung wala Siyang sinabi na sa paniniwala nila'y pamumusong sa pangalan ng Kataas-taasang Diyos?

Ito ang sinasabi sa Juan 1:1: “Ang Salita ay Diyos.” At sa Juan 1:14 naman ay ito ang sinabi, “Ang Salita ay nagkatawang tao.” Ito'y maliwanag na indikasyon na si Hesus ay Diyos sa anyong laman. Ang alagad na si Tomas ay nagpahayag tungkol kay Hesus ng ganito, “Aking Panginoon at aking Diyos” (Juan 20:28). Si Tomas ay hindi nagkamali dahil hindi siya sinaway o itinama man ni Hesus. Inilarawan ni Apostol Pablo ang Panginoong Hesus ng ganito, “Ang ating Dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu Kristo...” (Tito 2:13). Ganito rin ang sinabi ni Apostol Pedro, .”..ang ating Diyos at Tagapagligtas na si Hesu Kristo” (2 Pedro 1:1). Ang Diyos Ama ay nagpatotoo rin sa pagiging Diyos ni Hesus, “Ang Iyong Trono, O Diyos ay mananatili magpakailan man, at ang Katuwiran ay mangingibabaw sa Iyong Kaharian” (Awit 45:6). Ipinahayag sa mga hula ng mga propeta sa Lumang Tipan ang pagiging Diyos ni Hesus, “Para sa atin, isang sanggol na lalaki ang isisilang, at Siya ang mamamahala sa atin. Siya ang kahanga-hangang Tagapayo, ang makapangyarihang Diyos, walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan” (Isaias 9:6).

Kaya nga tulad ng pangangatwiran ni C.S.Lewis, ang paniniwala kay Hesus bilang isang mabuting Guro lamang ay isang bagay na hindi dapat ipagwalang bahala. Bagkus, maliwanag at walang pangingiming inangkin ni Hesu Kristo na Siya ay Diyos. Kung hindi Siya Diyos, Siya ay sinungaling, samakatuwid hindi Siya Propeta, hindi mabuting Guro, at lalong hindi siya makadiyos. Sa kanilang pagnanais na ilayo ang mga tao sa katotohanan patungkol sa mga pahayag ni Hesus sa Kanyang sarili, itinuturo ng mga modernong “iskolar” na ang “tunay na Hesus sa kasaysayan” ay hindi inangkin ang maraming hula at pagpapakilala sa Banal na Kasulatan patungkol sa Kanyang katangian bilang Diyos. Sino tayo para mangatwiran tungkol sa mga salitang ipinahayag ni Hesus …..

https://www.gotquestions.org/Tagalog/...

Комментарии

Информация по комментариям в разработке

Похожие видео

  • 10 Katibayan na Si Kristo ay Diyos
    10 Katibayan na Si Kristo ay Diyos
    5 лет назад
  • BAKIT NAGDASAL PA SI HESU KRISTO KUNG SIYA RIN ANG DIYOS?
    BAKIT NAGDASAL PA SI HESU KRISTO KUNG SIYA RIN ANG DIYOS?
    2 года назад
  • Ang Trahedyang Kamatayan ni PONCIO PILATO pagkatapos Ipako sa Krus si HESUS
    Ang Trahedyang Kamatayan ni PONCIO PILATO pagkatapos Ipako sa Krus si HESUS
    1 год назад
  • ⚡️ Силовой захват президента || Резкое заявление о капитуляции
    ⚡️ Силовой захват президента || Резкое заявление о капитуляции
    7 часов назад
  • MALING UNAWA SA 2 CORINTO 9:7 Na Ginagamit Na Basehan Ng Ilang Tao Na Ayaw Ng TITHING
    MALING UNAWA SA 2 CORINTO 9:7 Na Ginagamit Na Basehan Ng Ilang Tao Na Ayaw Ng TITHING
    1 год назад
  • Bro. Eli Soriano FULL Debate Reaction
    Bro. Eli Soriano FULL Debate Reaction "Ang AMA LANG ang TUNAY na DIOS" vs. INC Melvin Roxas | U3
    2 года назад
  • 🔴 ARCHITECT ng TITANIC na HUMAMON sa DIYOS !! | Jevara PH
    🔴 ARCHITECT ng TITANIC na HUMAMON sa DIYOS !! | Jevara PH
    2 года назад
  • New 2024 Playlist Of Hillsong Songs Playlist 🙏HILLSONG Praise Music 2024 | Goodness Of God
    New 2024 Playlist Of Hillsong Songs Playlist 🙏HILLSONG Praise Music 2024 | Goodness Of God
    2 года назад
  • JESSE: Ang Ama ni David at ang Pinagmulan ng Mesiyas! Ang Kuwentong Hindi Alam ng Nakakarami!
    JESSE: Ang Ama ni David at ang Pinagmulan ng Mesiyas! Ang Kuwentong Hindi Alam ng Nakakarami!
    10 месяцев назад
  • Si Hesus ang ating Matalik na Kaibigan
    Si Hesus ang ating Matalik na Kaibigan
    3 года назад
  • Salita ng Diyos |  Sino si Jesus
    Salita ng Diyos | Sino si Jesus
    4 года назад
  • Зверь был, нет его, но снова явится I Стогниенко Юрий I Bible Podcast #48
    Зверь был, нет его, но снова явится I Стогниенко Юрий I Bible Podcast #48
    2 дня назад
  • PB TEAM SCHOLAR NA SI DIANNA ROSE BAKIT GANITO NA?
    PB TEAM SCHOLAR NA SI DIANNA ROSE BAKIT GANITO NA?
    9 месяцев назад
  • BAKIT IPINAGLABAN NI SATANAS ANG KATAWAN TI MOSES
    BAKIT IPINAGLABAN NI SATANAS ANG KATAWAN TI MOSES
    2 года назад
  • Todo-Todong Pagpapala + Minamahal Kita + Kabanal-Banalang Diyos (Medley) | TFBC Praise & Worship
    Todo-Todong Pagpapala + Minamahal Kita + Kabanal-Banalang Diyos (Medley) | TFBC Praise & Worship
    6 лет назад
  • ANG BUHAY NI HARING SOLOMON BASE SA BIBLIA
    ANG BUHAY NI HARING SOLOMON BASE SA BIBLIA
    4 года назад
  • Surrounded by students at UP.
    Surrounded by students at UP.
    11 месяцев назад
  • ANG TUNAY NA BUHAY AT WAKAS NI JOSE AMA NI JESUS, NA KAUNTI LAMANG ANG NAKAKAALAM!
    ANG TUNAY NA BUHAY AT WAKAS NI JOSE AMA NI JESUS, NA KAUNTI LAMANG ANG NAKAKAALAM!
    1 год назад
  • ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NANINIWALA ANG MGA MUSLIM AT HUDYO KAY HESUS.
    ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NANINIWALA ANG MGA MUSLIM AT HUDYO KAY HESUS.
    1 год назад
  • 7 BAGAY TUNGKOL SA BIRHENG MARIA NA KAKAUNTI LAMANG ANG NAKAKAALAM
    7 BAGAY TUNGKOL SA BIRHENG MARIA NA KAKAUNTI LAMANG ANG NAKAKAALAM
    1 год назад
  • О нас
  • Контакты
  • Отказ от ответственности - Disclaimer
  • Условия использования сайта - TOS
  • Политика конфиденциальности

video2dn Copyright © 2023 - 2025

Контакты для правообладателей video2contact@gmail.com