Aba Po, Santa Mariang Hari - "Hail Holy Queen” or "Salve Regina" in Tagalog

Описание к видео Aba Po, Santa Mariang Hari - "Hail Holy Queen” or "Salve Regina" in Tagalog

Aba Po, Santa Mariang Hari
("Hail Holy Queen” or "Salve Regina" in Tagalog)

Aba po, Santa Mariang Hari, Ina ng Awa,
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba, pinananaligan ka namin.
Ikaw ang tinatawag namin,
pinapanaw ng taong anak ni Eba.
Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis
dito sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay! Aba pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawain at maalam at matamis na Birhen.

℣. Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.

℟. Nang kami'y makinabang sa mga pangako ni Hesukristo aming Panginoon.


Manalangin tayo.

Panginoon, pagkalooban Mo kami
ng kalusugan sa aming katawan at kalooban
pakundangan sa pagdalangin ng Mahal na Birheng Maria
ay mahango kami sa hapis sa kasalukuyan
at makinabang sa walang-maliw na kaligayahan;
alang-alang kay Cristong aming Panginoon.


℟. Amen.


---------------------------

Music:
Pixabay
Ave Maria - J.S. Bach / Charles Gounod Version from 1852 - Classic Concert Grand Piano (JuliusH)
https://pixabay.com/music/religious-t...

Комментарии

Информация по комментариям в разработке