It’s Showtime July 15, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime July 15, 2024 | Full Episode

Tinodo n’yo ba ang pahinga nitong weekend? Today, itodo naman natin ang good vibes at saya. Sino ba namang hindi tatawa ‘pag si Rufa Mae Quinto ang kasama? To the highest level ang performance ni Rufa Mae as a ‘singerist’ for today’s video.

Sa ‘Showtime,’ good vibes ay todo-todo, kaya go, go, go na dito!

Lunes n’yo ay punuin natin ng happiness with the ‘Showtime’ family. Kumpleto ang Big 4 ng “Showing Bulilit’ – Argus, Kulot, Jaze at si Kelsey na ka-matchy-matchy ni Meme Vice Ganda ng OOTD. Sina Jaze at Kulot, nag-ala Gerald Anderson at Kim Chiu mula sa pelikulang “Paano Na Kaya.” Si Argus naman, may super cute na magic trick!

Mukhang maaasahan ang buzzers sa araw na ‘to. Paunahan na lang sa pagpindot at pagsagot para manalo. Off to a good start sina Vice Ganda at Darren Espanto. ‘Yun nga lang, naunahan sila ng mga kalaban sa kalagitnaan ng laro. Nakahabol sina Kim at Vhong Navarro na umabante sa jackpot round.

Teka, ano ‘tong hirit ni Ogie Alcasid? May pelikula bang “We Had Coffee After Jogging” ang titulo? At si Kim daw ang bida rito? Movie o real life ba ‘yan, Tito Ogie? Spill mo na, dali!

Karma is real, kaya huwag magtaksil kung ayaw mong malasin. Si Cliff, minamalas sa tuwing niloloko ang ex na si Runa kaya bawat pagkakamali ay ‘sorry’ ang naiisip niyang pambawi. Pero nauulit lang ang pagche-cheat n’ya, hanggang sa napagod si Runa at nagdesisyon na tuluyan nang putulin ang ugnayan nila.

Relasyon nila’y nagsimula sa isang dance group audition. Tumagal ng labing-isang taon. Sa loob ng mahabang panahon, may mga araw na matamis, mapait, malungkot, masaya, lahat na. Paulit-ulit na nagpatawad si Runa nang maka-ilang beses n’yang mahuli ang mga ‘kasalanan’ ng seaman-lolokong nobyo, hanggang sa ang sakit ay naipon at nauwi sa trauma. Alamin ang kwento nila sa EXpecially For You.

Damang-dama ang malakas na school spirit. Mga estudyanteng may golden tinig, sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” umawit.

Kumasa sa hamon ng entablado ang pambato ng Davao Del Norte State College na si Ethinyl Dear Ampo. Wala siyang uurungan pagdating sa singing. Pagkanta n’ya ng “What’s Up,” talagang outstanding.

Hinarana naman ni Vinz Villarosa ng St. Paul University-Dumaguete ang mga hurado at madlang people. Ikaw na, Vinz! Ikaw na ang excellent sa pagkanta mo ng “Bakit Ba Ikaw.” Si Vinz ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Bituin Escalante, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке