Mayo 12, 2024 - San Lorenzo Ruiz Parish Mass Online - Dakilang Kapistahan ng Pag akyat sa Langit

Описание к видео Mayo 12, 2024 - San Lorenzo Ruiz Parish Mass Online - Dakilang Kapistahan ng Pag akyat sa Langit

Paglahok sa Pagtatatag ng Kaharian ng Diyos

Ang pag-akyat ni Hesus sa langit ay siyang sukdulan ng kanyang kaluwalhatian, ngunit di naman nangangahulugang pinutol na niya ang kanyang pakikipag-ugnayan sa atin. Ibig lamang sabihing habang siya pa rin ang dakilang “protagonista” sa kasaysayan ng kaligtasan, pansamantala niyang ipinagpaparaya sa ibang bumubuo sa Simbahan ang matamang paglahok sa pagtatatag ng Kaharian ng Diyos.

Lahat tayo’y kasali sa ganitong dakilang pagsisikap na siyang buod ng plano ng Diyos para sa sangkatauhan. Tumutulong tayo rito sa pagpapahayag ng Ebanghelyo at sa pamumuhay bilang mga tunay na Kristiyano.

Ngayo’y ipinagdiriwang din natin ang ika-58 Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon. Ipagdasal natin ang lahat ng mga “media practitioners,” lahat ng nasa social media at mga social media infl uencers, gayundin ang lahat ng nakikinabang o naaapektuhan ng kanilang ginagawa.

Ito din ay isang magandang pagkakataon upang ipakita natin ang pagmamahal at utang na loob sa ating mga ina, sa pagdiriwang natin ng Mothers’ Day. Maaari natin itong patunayan di lamang sa paghahandog sa kanila ng mga bulaklak at paggiliw, kundi sa pamamagitan din ng pagdarasal para sa kanila, lalo na sa ating pagdiriwang ng Eukaristiya ngayon.

Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/

Visit our facebook page at:   / sanlorenzoruizparish  

For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/

Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/

Комментарии

Информация по комментариям в разработке