PAMANA Rice Mill Cateel

Описание к видео PAMANA Rice Mill Cateel

Ang bayan ng Cateel sa Davao Oriental ay tinaguriang "Rice Granary" ng probinsya dahil sa malaking produksyon nito ng palay. Tanyag din ang lugar bilang agri-tourism destination. Ang karaniwang ikinabubuhay ng mga naninirahan dito ay ang pagtatanim ng upland rice o katutubong palay.

Ngunit sa bayan na ito rin matatagpuan ang Barangay Aliwagwag, isang komunidad na minsang sinakop ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA). Ayon sa mga residente, matagal na namalagi ang mga NPA sa kanilang komunidad na naging dahilan ng kaguluhan at nagdulot ng mahinang pag-asenso sa kanilang lugar.

Ngunit nagkaroong muli ng matiwasay na pamumuhay ang mga residente ng Aliwagwag dahil sa programang dinala sa kanila ng pamahalaan.

Isang organisasyon sa Barangay Aliwagwag, ang Aliwagwag Farm Multi-purpose Association o AFMA, ang napiling maging pangunahing beneficiary ng proyektong pangkabuhayan ng Department of Agriculture at Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program. Mithiin ng PAMANA program na maisulong ang peace and development sa mga conflict-affected areas. Sa pamamagitan ng tulong na ibinigay ng pamahalaan sa AFMA, nanumbalik ang pag-asa ng mga miyembro nito na makakatulong ang proyektong ito upang muling makabangon sila sa kahirapan.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке