BABYLONIA INA NG MAPAKIAPID - BY BROTHER FELIX Y. MANALO

Описание к видео BABYLONIA INA NG MAPAKIAPID - BY BROTHER FELIX Y. MANALO

Ang pagtuturo ng kapatid na Felix Y. Manalo nang siya ay nabubuhay pa patungkol sa Iglesia na naging tahanan ng demonyo.
Ang Iglesiang ito ay walang iba kundi ang Iglesia Katolika Apostolika Romana, na siyang unang Iglesia na itinatag mismo ng Panginoong Jesucristo noong unang siglo, subalit natalikod dahil sa pagsunod sa mga maling aral. Ayon mismo sa pagtuturo ng Biblia, ang Iglesiang ito ay nakiapid sa mga politiko (mga bansa, mga karamihan, ang tinutukoy na mga tubig), sa paraang nagpagamit at ginamit ang politika para sa kaniyang sariling kapakinabangan.
Ang leksiyong ito ay natutupad din sa kasalukuyang bayan ng Panginoong Dios ang Iglesia Ni Cristo na pinangungunahan ng nagpapakilalang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng organisasyong ito na walang iba kundi si EDUARDO V. MANALO.
Nang tinanggap niya ang posisyon pampolitika sa gobyerno ng Pilipinas bilang "Envoy of OFW concerns" ay nahayag na nang tuluyan na siya man ay naging katuparan ng leksiyong itinuro mismo ng kaniyang sariling lolo at ama na si kapatid na Felix Y. Manalo at ang tagabasa ng Biblia ay ang kapatid na Erano G. Manalo.
Hayag na hayag na ang ginagawang paglapastangan ni Eduardo V. Manalo sa Iglesia at higit sa lahat sa mga aral ng Dios. Papaano niyang mapapangalagaan ang kapakanan ng mga kababayan nating OFW's kung ang sarili niyang sambahayan at mga kamaganak ay hindi niya magawang mapangalagaan?
Kailan magigising at maninindigan ang mga Ministro at mga Manggagawa sa Iglesia, at ang mga kapatid sa pagtalikod ng Iglesia na nangyayari. Kung kailan huli na ang lahat?

Комментарии

Информация по комментариям в разработке