It’s Showtime May 27, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime May 27, 2024 | Full Episode

It’s a brand new week, madlang people! Ngayong Monday, may nag-celebrate ng birthday – ‘yan ay walang iba kung si Darren Espanto. Dahil love niya kayo, siya pa ang may handog na regalo. Naghanda si Darren ng isang all-out birthday prod na patikim na rin sa nalalapit n’yang concert.

Maki-party na agad ngayong Lunes with the “Showtime” family para buong linggo mo ay maging happy!

Kung hanap mo naman ay inspirasyon, Random Act of Kindness ni Ryan Bang ang maghahatid n’yan. Tunghayan ang kanyang pagtulong sa madlang people bago ang masayang hulaan sa “Showing Bulilit.”

Lights, camera, action! Ang aktingan ng “Showtime” Kids, worthy of a standing ovation. Mapa-action, comedy, o drama, keri nila kahit ano’ng genre. At ang bilis tumulo ng mga luha! Future superstars talaga!

Alam mong intense ang confessions ‘pag ang madlang people ay may juicy reactions. Tampok for today’s “EXpecially For You” sina Keann at Jaimie.

Punta na nga tayo sa exciting part! Si Keann, nadurog daw ang heart dahil sa pagseselos sa isang ka-team ni Jamie sa gym. Umpisa pa lang, ramdam na n’ya ang not-so hidden feelings ni guy para sa kanyang nobya kaya naman ilang beses n’yang pinakiusapan si Jamie na lumayo rito.

Pero, si Jamie, dedma raw sa pagseselos ni Keann. May pagkakataon pa na pumayag daw itong ihatid ni ‘guy’ pauwi dahil maulan. Pero ang nagtulak sa sama ng loob ni Keann sa sukdulan ay nang sumama si Jamie sa overnight swimming kung saan present din ang nasabing guy. Hindi nagpapigil si Jamie kahit sinabi ni Keann na baka ito ang maging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Damang-dama naman ang performances ng dalawang estudyanteng nagpakitang-gilas sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Emosyon ang naging panlaban ng pambato ng Systems Plus College Foundation na si Reign. Pag-awit nya ng “Kailangan Kita,” pumukaw sa damdamin ng madla. Humaplos din sa puso ang pagkanta ni STI College-Lipa student, Kyle, ng “Tila.” Siya ang pasado at pasok sa ‘prelims’ o weekly finals matapos makakuha ng grado na 91.7%.

#ItsShowtime
#ShowtimeDBest
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке