Mga Teachable Moments sa Ating Mga Tahanan | OVP BAYANIHAN e-SKWELA

Описание к видео Mga Teachable Moments sa Ating Mga Tahanan | OVP BAYANIHAN e-SKWELA

[EPISODE SUMMARY – Mga Teachable Moments sa Ating Tahanan (Teachable Moments at Home)]

Ano ang mga halimbawa ng teachable moments?
• Ang teachable moments o mga pagkakataong magturo ay puwedeng mangyari kahit saan at kahit kalian, kahit tayo ay nasa bahay lamang.
• Maaaring matuto ang mga bata habang tumutulong sa mga pang-araw-araw na gawain sa bahay. Hindi kailangan ng libro o blackboard.
• Mula sa paghahanda ng pagkain hanggang sa pagliligpit ng pinagkainan, maraming pagkakataon para sa teachable moments. Kailangan lang manatiling alisto para mahuli at hindi makaligtaan ang mga pagkakataong ito.

Mga halimbawa ng teachable moments:
1. Kapag pinaplano ang pamamalengke, simpleng pagkakataon ito para turuan ang mga bata ng pagba-budget, meal planning, at math operations.
2. Kapag nagluluto, pagkakataon ito para mahasa ang fine motor skills ng bata at para matuto siyang making at sumunod sa panuto.
3. Habang kumakain ang pamilya, madaming oportunidad para magkuwentuhan ang mga magkakamag-anak. Magandang oportunidad din ito para matuto siya tungkol sa mga bagay katulad ng balanseng diyeta o makinig sa mga kuwentong bayan o alamat. Matuturuan din siyang makinig nang mabuti at magbigay ng mga hinuha.
• Paalala din ito sa atin na makinug tayo sa ating mga anak at sagutin ang mga tanong nila. Hayaan natin sila magkuwento tungkol sa bagay na gusto nila o natutunan nila. Kahit ang mgam mas batang miyembro ng pamilya ay puwede ring panggalingan ng bagong impormasyon.
4. Puwede ring tulungan ang mga bata na magpasya gamit ang paghahanap at pagbibigay ng ebidensya sa paraan ng pagdedebate. Oportunidad ito na matuto silang making, magdesisyon base sa ebidensya at magbigay ng hinuha.
5. Habang naglilinis, turuan ang mga bata tungkol sa siyensiya at chemical reactions.

Tandaan:
• Ang mga ipinakita dito ay halimbawa lamang ng ilang teachable moments. Maaaring ibagay ninyo ang alinmang paraan ng pagtuturo sa inyong konteksto. Marami pang gawaing-bahay na may teachable moments katulad ng paglilinis ng sasakyan, paghahardin, paglalaro, pagka-karaoke at iba pa!
• Tandaan natin na tayong mga nanay at tatay ang pinakaunang guro ng ating mga anak. Magtiwala sa inyong mga kakayahan at karanasan.
• Ang susi sa pagtuturo sa bahay ay malayang komunikasyon. Makinig at magmasid para matukoy ang mga teachable moments habang nangyayari ang mga ito.
• Higit pa sa pag-alam ng mga akademikong konsepto, matututo rin ang inyong mga anak na maging mas responsable, na maghanap ng mga koneksiyon sa mga bagay-bagay, at pahalagahan ang pamilya.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке