BnRc - Tandang Pananong? (Audio)

Описание к видео BnRc - Tandang Pananong? (Audio)

Edited by: RobLubigan
Mix&Mastered: BonRicPlaton
Prod. By: Aksil Beats Production
Hidden Laboratory
KalyeTrece
MARAMING SALAMAT SA WALANG HUMPAY NA PAKIKINIG ! SA DI MATAWARANG SUPORTA! MARAMING SALAMAT PO.

Lyrics:
Kahit ngayon hindi lubos parin na maintindihan
Kung bakit ba tila walang hangganan ang kawalan
Ang sakit kahirapan kawalan ng tahanan
Langit lupa ang pagitan ng mahirap sa mayaman

Hindi parin mapagtanto bat ganito ating mundo
Punong puno ng panlalamang paghusga panloloko
Mayaman sa taas mahirap sa babay nagtitimpi
sinag ng ilaw sa balat lamang nila dumadampi

Katwiran na bulok wag nyong piliting ipakain
Mahirap pero alam namin ang hitsura ng kanin
Ulam nyoy lagpas sampu ulam namin ay tuyo
Kamay kaming kumain habang ang kubyertos nyoy ginto

Kung sinong meron maramot yung sakto bukas palad
Papel na pera sa kamay bibihira sumayad
Habang pitaka nyoy puno kulay asul agad bubungad
Di pwedeng makisingit kung di apat ang nakasulat

Problema sa pamilya utak koy binugbugbog
Parang kumukulog pumipikit pero di makatulog
Papel ng karunungan nasilaban na at sunog
Pangyayari sa mundo'y amoy sinindihang buhok

Ano pangaba ang gagawin dahil hindi tiyak
Kinabukasan ko tila marahang nabibiyak
Paubos narin ang plano pasalat ng pasalat
Ang sagot sa pananong ay umiyak ng umiyak

Kada hakbang natin may bubog hindi kayang iwasan
katawan moy nalulupog kailangan ng sandalan
Mata'y nakakatulog ngunit utak nasa laban
na kahit kailan hindi kayang mapanalunan

Kasiyahan tila pilit akong tinataboy
Kalungkutan ang pumipigil para tumuloy
Binabalutan ang katawan sing init ng apoy
Ang bangong kaginhawaan dikona alam ang amoy

Kahit gano ka kabuti masama sila sayo
Tadhana'y di kampi sa isang kagaya ko
Tinanggap ng maluwag kahit sikip sa dibdib ko
pamilyay nasisira dahil di piniling mabuo

Kaya kung maswerte ka isagad ang saya
Dahil lahat ng meron ka pinangarap ng iba
at kung ikay nakikinig dikana magtataka
kung isang araw ang mundong ibabaw ay iwan kona.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке