Logo video2dn
  • Сохранить видео с ютуба
  • Категории
    • Музыка
    • Кино и Анимация
    • Автомобили
    • Животные
    • Спорт
    • Путешествия
    • Игры
    • Люди и Блоги
    • Юмор
    • Развлечения
    • Новости и Политика
    • Howto и Стиль
    • Diy своими руками
    • Образование
    • Наука и Технологии
    • Некоммерческие Организации
  • О сайте

Скачать или смотреть WEEKLYHOROSCOPE-August 17-23-Swerteng Handog 3rd week of August at Sikreto Okultismo ika-60 labas

  • Maestro Honorio Ong
  • 2025-08-17
  • 3404
WEEKLYHOROSCOPE-August 17-23-Swerteng Handog 3rd week of August at  Sikreto Okultismo ika-60 labas
Tags
  • ok logo

Скачать WEEKLYHOROSCOPE-August 17-23-Swerteng Handog 3rd week of August at Sikreto Okultismo ika-60 labas бесплатно в качестве 4к (2к / 1080p)

У нас вы можете скачать бесплатно WEEKLYHOROSCOPE-August 17-23-Swerteng Handog 3rd week of August at Sikreto Okultismo ika-60 labas или посмотреть видео с ютуба в максимальном доступном качестве.

Для скачивания выберите вариант из формы ниже:

  • Информация по загрузке:

Cкачать музыку WEEKLYHOROSCOPE-August 17-23-Swerteng Handog 3rd week of August at Sikreto Okultismo ika-60 labas бесплатно в формате MP3:

Если иконки загрузки не отобразились, ПОЖАЛУЙСТА, НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если у вас возникли трудности с загрузкой, пожалуйста, свяжитесь с нами по контактам, указанным в нижней части страницы.
Спасибо за использование сервиса video2dn.com

Описание к видео WEEKLYHOROSCOPE-August 17-23-Swerteng Handog 3rd week of August at Sikreto Okultismo ika-60 labas

WEEKLY HOROSCOPE August 17 to 23, 2025 Pampa-Swerteng Handog ngayong erd Week of August 2025 (Y) Ang kapalaran sa 12 zodiac signs Aries hanggang Pisces (Y) 🤑 $ 💲 $ 💵 💰

Kaya nood na WEEKLY HOROSCOPE AUGUST 17 to 23, 2025

Pampaswerteng handog ngayon Ikatlong Linggong ito sa buwan ng Agosto 2025, Oo, ano kaya ang iyong magiging kapalaran sa medyo umaaliwalas ng panahon 😉 ☂️ ☂️ ☂️ 📚 📚 📚

*****

"Two-In-One" : Nakapanood ka na ng Weekly Horoscope, mababasa pa Sikreto ng Okultismo at Mistisismo, mula sa mga aklat ni Maestro Honorio Ong ✓ Serialized Novel tungkol sa isang bata na naghahangad na matuto ng Okultismo at Mistisismo.... ✓


Ika-60 labas

Ang sinasabing Grotto ay isang “religious sacred place” na pinaniniwalaan ng mga deboto ng Mahal na Birhen na nakapagpapagaling ng ibat-ibang uri ng karamdaman. Sinasabi ding maraming pumapasyal at nagdarasal sa Grotto na matatagpuan sa San Jose Del Monte, Bulacan ay natupad ang kanilang mga dasal at kahilingan. Kaya naman tuwing sumasapit ang Mahal na Araw, lalo na kapag Huwebes at Biyernes Santo, halos punong-puno at umaapaw ang mga deboto at namamanata na nagtutungo sa nasabing lugar.

“Sasama ka ba sa paglalakad mamayang gabi Arya Bhata?” ang usisa sa kanya ng nakatatanda niyang kapatid. Hindi umimik na waring nag iisip at saka nagwikang: “Hindi muna ko makakasama ngayon Ali” ang sagot ni Arya Bhata, at idinagdag pang: “Pupunta kasi ako sa bukid mamaya, sabi kasi ni Tatang ako daw muna ang tumao sa kubo dahil may lakad sila ni Ka Fortunato at Don Florentino!”

“Saan naman daw pupunta sila Tatang?” tanong ng kanyang kausap.

“Ang alam ko, aakyat yata sila sa Bundok Banahaw, na hindi mo ba naaalala taon-taon naman nilang ginagawa ‘yon, tuwing sumasapit ang Mahal na Araw upang subukin at pakainin ng orasyon ang kanilang mga agimat, talisman at anting-anting.”

“A oo nga pala!” ang sagot ni Ali sa kanyang kapatid at sinabi pang “Di pano ‘pass’ ka muna ngayon kami na lang muna ang lalakad ng grotto?” ang dagdag pang paglilinaw ng kanyang kapatid.

Tumango lamang si Arya Bhata habang abalang-abala ang kanyang kausap na nag eempake ng mga gamit at iba pang kakailanganin sa backpack na babaunin patungong Grotto.

At humirit pa ng isa ang kanyang kausap: “Hindi ka ba talaga sasama Arya Bhata, final answer?” waring namimilit si Ali Bhata. At ng muli siyang umiling, na ngangahulugang hindi talaga sasama si Arya Bhata sa paglakad patungong Grotto.

“Sayang nandon pa naman ang anak ni Ka Narding na crush mong si Leny.” ang tila nang-iinggit na paliwanag ng kanyang kausap.

Sa tinurang iyon ng kanyang kapatid, nangiti lamang si Arya Bhata. Isang ngiting may malalim na kahulugan. Subalit buo na ang kanyang pasya, naka-plano na sa kanyang isipan na pag-alis na pag-alis ng ama niyang si Zabater upang mamanata sa Bundok Banahaw, muli niyang bubuksan ang antigong baul na nakatago sa ilalim ng kamang kawayan sa kanilang kubo sa bukid upang basahin ang Aklat na Itim.

Kaya kahit na may pagkakataong makakausap sana nya si Leny at makakabolahan kung sasama siya sa kanyang kapatid na maglakad sa grotto, mas pinili niya ang sa pagkaka-alam niya ay mas mahalaga.

Minsan lang umalis ang kanyang amang si Zabater na mga ilang araw ding mawawala, pagkakataon nya na ang Huwebes Santong iyon hanggang Biyernes Santo at maaari pa ngang pati Sabado de Gloria ay sapat na ang mga araw na iyon upang malaya niyang matapos ang lihim na pagbasa sa Aklat na Itim at kung sinusuwerte maaari pa niyang basahin ang iba pang mga “mahahalagang aklat” na nakatago sa antigong baul.

*****

Matapos mag almusal, nag empake na rin ng mga gamit ang ama ni Arya Bhata na si Zabater at muli siyang binilinan ng matanda: “Arya Bhata ikaw na muna ang tumao sa kubo natin sa bukid, alam mo namang maraming bunga ang mga punong mangga, bantayan mong mabuti upang hindi tayo masalisihan ng mga dayong bata sa kabilang barangay na ngungulimbat ng mga mangga sa tuwing na tataymingan nilang walang tao sa ating tumana.”

“Opo Tatang!” ang masayang sagot ni Arya Bhata sa kanyang kausap. At bago umalis ang kanyang ama, inabot pa niya ang kamay ng matanda upang mag-mano.

Itutuloy…

Kaya nood na WEEKLY HOROSCOPE AUGUST 17 to 23, 2025

*****

Narito ang dalawang FB Account ni Maestro Honorio Ong

FB account ni Maestro Honorio Ong
https://www.facebook.com/ maestrohonorio.ong.9
https://www.facebook.com/ maestrohonorio.ong.5

#swertenghoroscope
#swertenaugustl
#maestrohonorioong


FB account ni Maestro Honorio Ong
https://www.facebook.com/ maestrohonorio.ong.9
https://www.facebook.com/ maestrohonorio.ong.5

#swertenghoroscope
#swertengaugust
#maestrohonorioong

#horoscope #swerte #august2025 😘

Комментарии

Информация по комментариям в разработке

Похожие видео

  • О нас
  • Контакты
  • Отказ от ответственности - Disclaimer
  • Условия использования сайта - TOS
  • Политика конфиденциальности

video2dn Copyright © 2023 - 2025

Контакты для правообладателей [email protected]