Tagalog Christian Movie | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" | Revealing the Mystery of God's Name

Описание к видео Tagalog Christian Movie | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" | Revealing the Mystery of God's Name

Mga kaibigan, gusto niyo bang mas mapalapit sa Diyos at malaman ang higit pa tungkol sa Diyos? Inaanyayahan namin kayong sumali sa aming grupo, at ibabahagi namin sa inyo ang mga salita ng Diyos, upang kayo ay mapalapit sa Diyos.
Messenger: https://shurl.me/TLMessenger

Tagalog Christian Movie | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" | Revealing the Mystery of God's Name

Ang pangalan niya ay Wang Hua, at siya ay mangangaral sa isang bahay iglesia sa Katimugang Tsina. Matapos siyang maniwala sa Panginoon, natuklasan niya sa Biblia na Jehova ang tawag sa Diyos sa Lumang Tipan, at tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit may iba’t ibang pangalan ang Diyos? Talagang nalito si Wang Hua tungkol dito. Sinikap niyang hanapin ang sagot sa Biblia, pero nabigong maunawaan ang hiwaga…. Ngunit matatag siyang naniwala na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, kaya’t si Jesus lamang ang Tagapagligtas, at basta nakakapit tayo sa pangalan ni Jesus, tiyak na madadala tayo sa kaharian ng langit. Ngunit isang araw, narinig ni Wang Hua ang nakakagulat na balita: Nagbago na ang pangalan ng Diyos! Pagkatapos niyon, hindi na napanatag ang kanyang puso …

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Ang nilalaman ng video na ito ay isinalin sa kabuuan ng mga propesyonal na tagasalin. Gayunpaman, dahil sa mga pagkakaiba sa wika atbp., may kaunting hindi maiiwasang hindi tumpak. Kung may makita kayong anumang hindi tumpak, mangyaring sumangguni sa orihinal na bersiyon sa wikang Tsino, at huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin para ipaalam ito.

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

#TagalogChristianMovie #TagalogGospelMovie

Комментарии

Информация по комментариям в разработке